FR. MARTIN’S CUP SUMMER LEAGUE

SUMMER LEAGUE

SASAMBULAT ang 25th season ng Fr. Martin’s Cup Summer League sa Abril 6, 2019 sa San Beda Mendiola campus kung saan 32 koponan ang magbabakbakan sa annual basketball tournament.

Pangungunahan ng defending Fr. Martin’s Cup at NCAA champions San Beda Red Lions ang competitive cast sa Group A ng seniors division kung saan sasamahan sila ng fellow mother league squads Arellano University at University of Perpetual Help.

Ang iba pang bumubuo sa Group A ay ang De La Salle Green Archers, TRESTON, AMA University, at Manila University.

Sa Group B ay mangu­nguna ang UAAP runners-up University of the Philippines at reigning UCBL titlists Diliman College, kasama ang Letran College, College of St. Benilde, San Sebastian College-Recoletos, Far Eastern University, at La Consolacion College.

Gaganapin ang mga laro sa San Beda University at sa SGS Gym.

Labing-apat na koponan naman ang bumubuo sa juniors tournament. Nasa Group A ang Letran, FEU, University of Santo Tomas, San Beda (Manila), Diliman College, St. Patrick’s High School, at AMA, habang sa Group B ay ang Adamson University, San Beda (Rizal), Arellano, Lyceum, TRESTON, SSC-R, at La Consolacion.

Samantala, magiging five-way battle ang women’s division kung saan mapapalaban ang power-house defending winners National University Lady Bulldogs sa UAAP counterparts UST, FEU, La Salle, at University of the East.

Comments are closed.