FRANCHISE BUSINESS NI MAINE MENDOZA

HINDI lamang artista kundi negosyante rin ang sikat na aktres na si Maine Mendoza, kaya nang makaipon siya ng sariling pera mula sa kontrobersyal at sikat na Aldub love team sa TV, agad siyang nag-venture sa pagbili ng franchise ng American restaurant chain na McDonald’s, na kanya ring iniindorso.

Pormal niyang binuksan ang una niyang McDo branch noong August 11, 2017 sa kanyang  hometown sa Barangay Sta. Clara, Santa Maria, Bulacan.

Hindi pa naman kalakihan ang kinikita ni Maine. Sa totoo lang, ang net worth niya ay umaabot lamang sa $3 million o halos P150 million. Kilala siya ng lahat sa kanyang viral Dubsmash videos at sa Kal­yeserye segments kapartner si Alden Ri­chard sa Eat Bulaga.

Isinilang si Maine noong March 1995, at sa murang gulang, alam na niyang mag­hawak ng pera dahil galing din naman siya sa pamilya ng mga negosyante.

May kaya ang kanyang pamilya. In fact, may sariling negosyo ang kanyang ama at ina, na pwede niyang pamahalaan kung gusto niya. May mga sasakyan at properties din si Maine bago pa siya nag-artista. Sa wakas, ina­min din ni Maine na boyfriend niya si Arjo Ataydo noong iselebra nila ang kanilang first year anniversary din umano nila. “Bubs”  daw ang endearment ni Arjo kay Maine.  – NV

70 thoughts on “FRANCHISE BUSINESS NI MAINE MENDOZA”

Comments are closed.