FRANCHISE SA MINING FIRMS, LUSOT NA SA HOUSE COMMITEE

MINING

MAPIPILITAN na ang mining companies na kumuha ng prangkisa sa Kongreso matapos na makalusot sa House Committee on Legislative Franchise at Committee on Natural Resources ang House Bill 6259.

Inaamyendahan ng panukala ang Philippine Mining Act of 1995 na layong suriing mabuti ang mga minahan at payagan lamang na makapag-operate ang mga responsableng mining firm.

Sa oras na maging ganap na batas ang panukala, gagawing pre-requisite ang pagkuha ng legislative franchise ng mga private contractor sa Kongreso bago payagan ang mga ito na makapag-apply ng large-scale quarrying permit o exploration permit.

Bibigyan naman ng panahon ang mga existing contract holder na kumuha ng kanilang prangkisa sa Kongreso sa loob ng dalawang taon.

Mahigpit din na ipag­babawal ang anumang mi­ning activity sa mga critical watershed.

Magbibigay rin ng fiscal at non-fiscal incentives para sa mga domestic mineral processing private contractors habang magpapataw ng 20%  hanggang 60% export tax sa mga iluluwas na domestic raw ore upang mabigyan ng benepisyo ang mga lugar kung saan ­manggagaling ang mga mineral.

Obligado rin sa ilalim ng panukala ang mga contractor na i-rehabilitate ang mga mining area. CONDE BATAC

 

3 thoughts on “FRANCHISE SA MINING FIRMS, LUSOT NA SA HOUSE COMMITEE”

  1. This is actually a good impacting view on this specific idea. And I’d like you to know that I’m really pleased you shared your feelings and information and I discovered that i believe I agree. I genuinely admire your very clear writing additionally , the work may possibly have invested writing this article. A great many thanks yous for this sound work additionally very good luck with the website, I will be looking forward to new subjects within the future.

Comments are closed.