FRANCHISE SECTOR LALAGO

President Richard Sanz

INAASAHANG lalago ang franchising industry ng bansa ng 25 percent sa $31 billion ngayong taon sa likod ng lumaking consumer spending na dala ng masiglang ekonomiya.

“Generally, the Philippine franchise sector is thriving and actually is not only thriving but it’s really on a roll,” wika ni Philippine Franchise Association (PFA) President Richard Sanz.

Ayon kay Sanz, ang tumataas na disposable incomes at consumer spending ng middle class, na inaasahang kabibila­ngan ng karamihan sa populas­yon ng Filipinas sa mga susunod na taon, ang isa sa key growth drivers ng sektor.

Tinukoy rin niya ang pagpapakalat ng trabaho sa mga pangunahing lungsod sa labas ng Metro Manila, partikular sa Laguna, Cebu, Iloilo at Bacolod.

“When you move around, a lot of demands are also there. You have the demand for the malls, for food, for services and that is what is driving the franchising growth,” aniya.  “And we saw this (trend) starting late last year that is why, our (growth) projection increased slightly.”   PNA

Comments are closed.