FRANCINE DIAZ NBSB PA RIN

SEVENTEEN years old na si Francine Diaz ngunit pinaninindigan niyang wala pa rin siyang boyfriend ngayon.

Biniro siya ni Jake Ejercito mayroon siyang mystery video caller pero si Ashley Diaz umano ito na kanyang best friend.

Si Ashley ay anak naman ni Joko Diaz.

Kaya umano niyang patunayang wala pa siyang kasintahan, at sa totoo lang ay wala pa ito sa isip niya.

“Gusto niyo tawagan ko si Ashley,” hamon niya, ngunit walang sumasagot na ibinigay niyang number kaya naghinala si Jake na itinatago lang niya ang identity ng kanyang boyfiriend. — KNMartin