“O pagsintang labis na makapangyarihan,
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw.
‘Pag ikaw ay nasok sa puso nino man,
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang.”
(Excerps from Florante at Laura by Francisco Baltazar)
Sa mga nakaraang panahon, walang hindi nakakakilala kay Francisco Baltazar, ang tinaguriang Hari ng Balagtasan. Isinilang si Francisco Balagtas y de la Cruz noong April 2, 1788 at namatay nnaman noong February 20, 1862. Taguri sa kanya ang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong makata, at malawakang itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong pampanitikan na laureate para sa kanyang epekto sa panitikang Filipino.
Ang kanyang bayang sinilangan ay ang Panginay, Bigaa na ngayon ay Balagtas, Bulacan na. Sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar ang kanyang mga magulang, at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas.
Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila, upang magtrabaho at mag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal sa
Bigaa, kung saan siya’y tinuruan tungkol sa relihiyon. Nagpakatulong siya kay Donya Trinidad para makapagkolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Nag-aral din siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.
Taong 1835 nang makilala ni Kiko si Maria Asuncion Rivera sa Pandacan, Maynila. Umibig siya sa marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon niya sa tulang “Selya.”
Naging karibal niya si Mariano “Nanong” Kapule, isang taong mayaman at malakas sa pamahalaan. Ipinakulong niya si Kiko at habang nasa kulungan siya aay agad pinakasalan si Maria Asuncion kahit labag ito sa kalooban ng dalaga. Habang nasa kulungan, isinulat ni Baltazar ang Florante at Laura.
Noong 1838, nakalaya siya sa kulungan at naging klerk sa hukuman ni Major Lieutenant at naging noong 1840 sa Udyong, Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang pinakasalan noong 1842. Nagkaroon sila ng 11 anak.
Muling nakulong si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok ng katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861.
Nagpatuloy siya sa pagsusulat ng mga komedya, awit at korido ngunit kabilin-bilinan niya sa kanyang asawang “Huwag mong hahayaan na maging makata ang alin man sa ating mga anak. Mabuti pang putulin mo ang mga daliri nila kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng tula.”
Namatay siya sa gulang na 73 dahil sa pulmunya. Gayunman, nanatili sa puso ng lahat ang kanyang mga sinulat, at kinilala pa siyang Hari ng Balagtasan.
Balagtas rin ang naging katawagan sa isang manunulang kayang ipaglaban ang kanyang paniniwala. Si Kiko ang nagpasikat ng balagtasan, isang uri ng debateng Tagalog sa paraang patula. Marahil, ang mga pagsubok sa buhay ni Balagtas, at ang kaniyang pagsusumikap upang malagpasan ang mga ito, ang pumanday sa kaniya upang maging matagumpay na makata.
Ikaw, kaya mo bang makipagdebate gamit ang balagtasan