FranSeth pamalit sa KathNiel?

Why not, chocnut? Matagal rin namang namayagpag ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at break na sila ngayon, kaya panahon na para maghanap ng papalit sa kanilang pwesto. Andyan naman sina Francine Diaz at Seth Fedelin na mukhang tatanggapin din ng masa.

Kung totoo man o hinding nagdi-date na nga ang dalawa, ang mahalaga, tanggap ng publiko ang “FranSeth” loveteam.

Kaso, itinanggi ni Seth na nagdi-date nga sila ni Francine, dahil sabi niya, “Dating is still far from my mind.” Ayaw daw niyang ma-pressure na magkaroon ng romantic relationship kay Francine. Nirerespeto raw niya ito pati na ang kanyang mga magulang, at kung magkakarelasyon man sila, dapat daw ay dahil gusto nila at hindi napilitan lamang dahil sa fans.

Okay naman kay Francine ang sinabi ni Seth. Ayaw raw niyang ibaba ang pagkababae niya sa pakikipagrelasyon dahil lamang marami silang project na magkasama ni Seth.

Hindi raw naman mahirap mahalin si Seth, pero tama ang sinabi nitong kung magkakarelasyon sila, dapat ay dahil gusto nila pareho at hindi napilitan lamang.

Kung sinasabi raw ng iba na sila ang pamalit sa KathNiel, medyo malayo pa raw sila ni Seth sa naabot ng love team na ito. Dagdag naman ni Seth, marami pa raw silang kakaining bigas bago nila maabot ang kasikatan ng KathNiel.