Fraudsters na sangkot sa “love scam” huli sa pagtutulungan ng GCASH-QCD-ACT

SA patuloy na pagpapaigting sa kanilang crackdown sa cybercrimes at iba pang fraudulent activities, matagumpay ulit na tinulungan ng GCash, ang nangungunang mobile wallet sa bansa, ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Cyber Response Unit sa pag-aresto sa isang Filipina at isang Nigerian national na sangkot sa tinatawag na “love scam” dahil sa panloloko ng mahigit PHP2 million mula sa kanilang biktima.

Ayon sa complainant, nakipagkaibigan siya at nagkaroon ng online romance sa isang nagngangalang “Demir Balik” sa isang dating app na nagpanggap na isang Turkish national.

Sinabi ng complainant na humingi ito ng financial help subalit nauwi sa panloloko sa kanya ng PHP2,282,000.00.

Tinanggap ng mga suspect na sina Jacel Ann Paderan, 28, at live-in partner 37-year-old Nigerian Ikenna Onuoha, ang pera na idineposito ng complainant sa account ng kanyang virtual “boyfriend”.

Lumabas sa imbestigasyon na isang Cristine Mae A. Elizares ang umano’y nagpanggap na virtual boyfriend ng biktima, at tinanggap ang pera na nagkakahalaga ng PHP 28,000 mula sa biktima.

Ang mga suspect ay dinakip sa joint operations ng Quezon City District Anti-Cybercrime Team (QCDACT) at ng Quezon City Police Department-District Special Operations Unit (QCPD-DSOU).

Kaugnay sa misyon nito na mapaigting pa ang kaligtasan ng mga Pilipino, lalo na kapag nakikipagtransaksiyon online, ang GCash ay masusing nakikipag-ugnayan sa PNP-ACG at iba pang law authorities tulad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang tugisin ang mga scammer at fraudster na nambibiktima ng kanilang users.

Gayundin, kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Philippine National Police (PNP), naharang ng GCash ang mahigit sa 900,000 accounts na sangkot sa fraudulent activities ngayong taon, at inaresto ang top fraudsters na nambibiktima ng customers sa pamamagitan ng pekeng social media pages at digital storefronts.

Patuloy na hinihikayat at pinaaalalahanan ng GCash ang mga Pilipino na higit na maging maingat at mapagbantay dahil sa patuloy na pagdami ng iba’t ibang online scams.
Para hindi mabiktima ng pekeng online sellers, pinaaalalahanan ng GCash ang mga customer na laging i-check ang payment terms ng seller, at hanggang maaari, makipag-transact sa mga nagbibigay ng opsyon na magbayad makaraang ma-deliver ang produkto o serbisyo. Para sa dagdag na seguridad at kaligtasan, tiyakin na laging tanungjn ang seller sa kanilang contact details at humingi ng official o acknowledgment receipt para sa proof of transaction.

Para sa tulong, tumawag sa PNP-ACG sa kanilang hotlines sa (02) 8414-1560, 0998-598-8116, o via email sa [email protected].

Para mag-report ng scams at fraudulent activities, bumisita sa official GCash Help Center sa help.gcash.com/hc/en-us o mag-message kay Gigi sa website at i-type, “I want to report a scam.” Kailanman ay hindi magpapadala ang GCash sa users ng personal messages para tugunan ang mga concern o kumuha ng personal information, lalo na ang MPIN at One-time Pin (OTP). Maaari ring tumawag ang mga customer sa official GCash hotline 2882 para sa mga katanungan at concerns.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.gcash.com.ph