Tulad ng iba pang mga naging alipin, hindi alam ni Frederick Douglass kung kelan siya ipinanganak. Basta ang alam lang niya ay isinilang siya noong 1817 sa Talbot County, Maryland. Hindi rin niya alam kung sino ang tatay niya, pero ayon sa kwento-kwento, isa raw itong plantation master.
Ang kanyang ina — hindi siya nakasama ni Frederick. Ibinenta kasi siya bilang alipin sa isang napakalayong plantation matapos siyang ipanganak. Ni hindi naalala ni Frederick ang kanyang hitsura, at kahit magkasalubong pa sila ay hindi nila makikilala ang isa’t isa. Isa o dalawang ulit lamang kasi sila nagkita, at yaon ay kapag nagkakaroon lamang ng pagkakataon ang kanyang inang makatakas sa gabi para makita siya — na ang kapalit ay napakalupit na paghagupit bilang parusa. Kinakailangan niyang magtrabaho sa umaga, kaya sapat na sa ina ni Frederick na makita siya kahit sa malayo.
Natigil ang pagbisita noong pitong taon na si Frederick dahil namatay na ito. Ito rin ang hudyat ng panibagong simula sa buhay ni Frederick.
Sa isang plantation, walang ama, patay na ang inang hindi man lamang nakasamang lumaki dahil sa kahirapan — napaka-traumatic ng kanyang buhay.
Trauma ang mahalagang bahagi ng kanyang paglaki. Noong bata pa siya, nasaksihan niyang hinahagupit ang kanyang tiyahin ng isang overseer dahil lamang sa napakaliit na pagkakamali. Isinulat niya ang karanasang ito at ang marami pa niyang karanasang katulad nito.
“I remember the first time I ever witnessed this horrible exhibition. I was quite a child, but I well remember it. I never shall forget it whilst I remember any thing. It was the first of a long series of such outrages, of which I was doomed to be a witness and a participant. It struck me with awful force. It was the blood-stained gate, the entrance to the hell of slavery, through which I was about to pass. It was a most terrible spectacle. I wish I could commit to paper the feelings with which I beheld it.”
Wala pa siyang walong taong gulang nang magkaroon ng mahalagang pagbabago sa buhay ni Frederick. Napili siyang tumira sa isang kaanak ng plantation master sa Baltimore. Nakita ng batang lalaking mag-iiba ang kanyang buhay dahil dito.
Sa kanyang bagong bahay — wala siyang tahanan dahil isa siyang alipin — inilarawan ni Frederick ang mistress na “babaeng may mabuting puso at mabuting kalooban.” Tinuruan siya nitong bumasa at sumulat.
Ngunit nang malaman ito ng kanyang asawa, pinagbawalan silang ipagpatuloy ito.
Para kay Frederick, nabuksan na ang bagong mundo. Alam na niya ang basics — kaya na niya itong ipagpatuloy na mag-isa. Kaya naman kahit palihim, ipinagpatuloy niya ang pagtuklas ng karunungan.
Nagsimula ang lahat ng pagbabago sa kanyang buhay sa Baltimore. Una, nagkaroon siya ng came commitment para matutong bumasa at sumulat. Gumagawa siya ng paraang makakuha ng pagkain para ibigay sa mga mahihirap na puti para makabasa ng kanilang mga libro o malaman ang kanilang leksyon sa matemateka at syensiya.
Ang ikalawa, nagkaroon siya ng bagong pananaw. Naisip niyang maging malaya.
“I was now about twelve years old, and the thought of being a slave for life began to bear heavily upon my heart,” isinulat niya sa kanyang journal. Kung madali lamang makagawa ng paraan para matuto, napakahirap namang makawala sa pagkaalipin — at alam iyon ni Frederick.
Sa bahaging ito ng kanyang buhay sa Baltimore nagkaroon siya ng pag-asa ngunit muli siyang ibinalik sa plantasyong pinanggalingan niya.
Laging malupit at walang katarungan para sa mga alipin, ngunit mas matindi pa ang pagmamalupit sa kanila sa mga malayong lugar. Iyan ang naranasan ni Frederick. Tiniis niya ang mga kalupitan ng walang habas na pagpaparusa ng walang habas na paghagupit sa pagkakaroon ng napakaliit mang kasalanan.
“The dark night of slavery closed upon me,” dagdag pa niya.
Sumandali, nabasag ang kanyang kaluluwa. Palagi siyang nag-aabang ng tamang pagkakataon at bagong karanasan. Ngunit sa lumalalang pagmamalupit na kanyang nararanasan halos araw-araw, muling nanaig ang kagustuhan niyang makalaya sa pagkaalipin.
Sa wakas, nakatakas siya sa Baltimore noong September 3, 1838 at nagtungo sa New York. Sa kanyang pagtakas, isinulat niyang:
“I have been frequently asked how I felt when I found myself in a free State. I have never been able to answer the question with any satisfaction to myself. It was a moment of the highest excitement I ever experienced. I suppose I felt as one may imagine the unarmed mariner to feel when he is rescued by a friendly man-of-war from the pursuit of a pirate. In writing to a dear friend, immediately after my arrival at New York, I said I felt like one who had escaped a den of hungry lions. This state of mind, however, very soon subsided; and I was again seized with a feeling of great insecurity and loneliness. I was yet liable to be taken back, and subjected to all the tortures of slavery. This in itself was enough to damp the ardor of my enthusiasm. But the loneliness overcame me. There I was in the midst of thousands, and yet a perfect stranger; without home and without friends, in the midst of thousands of my own brethren–children of a common Father, and yet I dared not to unfold to any one of them my sad condition. I was afraid to speak to any one for fear of speaking to the wrong one, and thereby falling into the hands of money-loving kidnappers, whose business it was to lie in wait for the panting fugitive, as the ferocious beasts of the forest lie in wait for their prey.”
Kahit ganoon ang pakiramdam niya sa umpisa, nakaranas din naman siya ng saya at kabaitan ng iba. Sa wakas, naka-adjust siya sa bago niyang buhay.
Isang lalaki ang tumulong sa kanya ng husto at gumabay upang makaagapay sa bagong buhay. Sa tulong din niya, nakapag-asawa si Frederick at lumipat sa New Bedford, Massachusetts para sa pagbuo ng pamilya.
Sa kanyang trabaho, may nabasa siyang abolitionist newspaper, ang Liberator. Nagustuhan niya ito at laging binabasa kapag may pagkakataon. Doon siya nakapag-isip-isip. Ano ang mangyayari sa kanilang buhay? Sa dami ng dinanas niyang hirap noong alipin pa siya, determinado siya ngayong magkaroon ng pagbabago. Kailangang matapos ang pang-aalipin at magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat, ano man ang kanyang kulay. Nagsimula siyang magsagawa ng public speaking, nagsulat siya, at dumalo sa mga pagpupulong ng mga lider.
Namatay si Frederick sa Washington, D.C., noong February 20, 1895. Tinagurian siyang Father of the abolitionist movement. Siya ang nagpayo kina US Presidents Abraham Lincoln at Andrew Johnson sa civil war at pagboto ng mga Black, at nananatili siyang bayani kahit matagal na siyang nawala.
Kaye VN Martin