FREE CREMATION SA MGA NAMATAY SA COVID-19

Manila Mayor Isko Moreno

UPANG mapagaan ang damdamin ng mga pamilyang namatayan dahil sa COVID-19, inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagkakaloob ng libreng cremation sa lahat ng residente ng Maynila na namatay dahil sa virus.

Ayon kay Moreno, gagawin ang libreng cremation sa Manila North Cemetery (MNC) at maaring pakinabangan ng sinumang nasawi COVID-19 na tubong Maynila.

Inalok ng alkalde ang libreng cremation makaraang mapuna nito na alinsunod sa rules ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, ang bangkay ng mga namatay sa   COVID-19  ay dapat na ma-cremate sa loob ng 12-oras.

Nakarating pa sa kaalaman ni Moreno na  na may mga pribadong kompanya at mga punerarya na naniningil ng mula P60,000 – P100,000 para sa cremation services na sob­rang mahal at hindi kakayanin ng mahihirap na pamilya.

Sinabi ng alkalde, kailangan lang ng pamilya ng namatay sa COVID-19 na  magdala ng death certificate at sariling urna kung saan ilalagay ang abo matapos na ito ay ma-cremate. VERLIN RUIZ

Comments are closed.