FREE INSURANCE SA ATLETA

FREE INSURANCE

ISINUSULONG ng isang senador ang pagkakaroon ng libreng insu­­­r­ance ng mga professional Filipino athlete na lumalaban sa ibang bansa.

Sa paghahain ng Senate Bill No. 1152 o ang ‘Professional Filipino Athletes Insu­rance Benefits Act’, sinabi ni Senador Lito Lapid na dapat magkaloob ang gobyerno ng insurance benefits kung saan nakapaloob ang ilang panga­ngailangan ng mga atleta kabilang ang medical expenses, travel insurance at death be­nefits.

Magugunitang ang Filipinas ang may pinakamalaking bilang ng mga atleta sa gagawing Southeast Asian Games.

Sa sandaling maisabatas ang proposed bill, agad na isasama ng Games and Amusement Board (GAB) at ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang mga programa ang pagkakaloob ng mga benepisyo sa ilalim ng batas, na isasama sa annual General Appropriations Act.

“Nais nating ibigay ang nararapat na suporta at para­ngal para sa ating mga atleta na dugo at pawis ang ipinuhunan para lamang maikatawan ang ating bansa sa mga international sports competition,” wika ni Lapid, chairman ng Senate Committee on Games and Amusement.

Ayon pa sa senador, ang kanyang panukala ay naglalayong kilalanin ang kara­ngalan na ipinagkakaloob ng mga Filipino athlete sa pagkatawan sa bansa sa mga international competition tulad ng Southeast Asian Games at ng iba pang prestihiyosong torneo.

Ayon sa PSC, ang Fi­lipinas ang may pinakamala­king delegasyon sa 30th SEA Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11, na may 1,115 athletes at 753 coaches.