FREE MOBILE TEXT SA COVID-19 OUTBREAK

grace poe

NANANAWAGAN si Senate Committee on Public Services chairman Grace Poe sa mga opisyal ng health at civil defense na magkaroon ng public free mobile text alert sa COVID-19 outbreak upang maipaalam sa publiko ang tamang impormasyon sa naturang virus na kumakalat ngayon sa bansa.

Sa Senate Resolution bilang 349 na inihain ni Poe, nais nito na makatulong na mabawasan ang pangamba at takot ng publiko sa COVID-19 sa pamamagitan ng tamang impormasyon laban sa fake news na nagbibigay ng takot sa mga taumbayan.

Nais ni Poe na 24/7 ang pagbibigay ng mga impormasyon sa publiko sa mga affected area ng mga bagong kaso ng Covid 19 para maiwasan at mapabilis ng contact tracing gayundin dapat na 24/7 ang hotline ng Department of Health (DOH) upang mai-report ang suspected cases.

Aniya, ang mobile text alert sa koordinasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay dapat nakasaad din ng mga impormasyon kung paano maiiwasan ang pagkalat ng natu­rang virus at kung paano agad maidadala sa pagamutan ang posibleng tamaan nito.

Ginawa ni Poe ang panawagan matapos na kumalat ang naturang sakit kung saan idineklara  ang suspensiyon ng klase sa buong Metro Manila  ng hanggang sa Abril 12. VICKY CERVALES

Comments are closed.