FREE RIDES SA MRT COMMUTERS

NAKATIKIM ng ibreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) kahapon ang mga commuter ng nasabing mass transit.

Ito ay bilang selebrasyon sa anibersaryo ng Department of Transportation (DOTr) kaya naman nag-alok ang libreng sakay sa MRT3 sa mga pasahero.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng DOTR.

Ayon pa sa DOTR , na-avail ang libreng sakay sa peak hours ng operasyon ng linya mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM kahapon.

Ayon pa kay Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, ang handog na libreng sakay ay selebrasyon at pagpapatunay ng matibay na suporta ng linya sa misyon ng kagawaran na magbigay ng ligtas, komportable, maaasahan, at maayos na transportasyon sa publiko.

Regular weekday operating hours naman ang ipatutupad ng MRT-3. Ang first trip sa North Avenue Station ay 4:30 AM, samantalang 9:30 PM naman ang last trip.

Sa kabilang banda, ang first trip sa Taft Avenue Station ay 5:05 AM, at 10:09 PM naman ang last trip.PAULA ANTOLIN