FREE TRADE DEAL NILAGDAAN NG PH, SOUTH KOREA

South Korea

ISANG free trade agreement (FTA) na inaasahang magpapalakas sa investment relations at lilikha ng mga trabaho ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng South Korea sa sidelines ng ASEAN Summit sa Indonesia, ayon kay Presidente Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang report sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Marcos na ang paglagda sa FTA ay maliwanag na nagpapakita sa shared commitment ng parehong bansa sa kanilang mutual economic growth at development.

“The FTA will strengthen our bilateral trade and investment relations with the Republic of Korea especially as it generates jobs and contributes to the Philippines’ value proposition as an ideal regional hub for smart and sustainable investments,” sabi ng Pangulo.

Aniya, ang kasunduan ay isang malaking hakbang sa pag-unlad ng economic friendship ng dalawang bansa. Binigyang-diin pa niya na patunay rin ito sa maraming prospects para sa pagtutulungan ng Manila at Seoul. Tinapos ng dalawang bansa ang kanilang pag-uusap sa free trade pact noong 2021.

ULAT MULA SA CNN PHILIPPINES