FREE TRAVEL PROGRAM INILUNSAD NG CEBU PAC

INILUNSAD ng Cebu Pacific ang free travel program para bigyang pagkakataon ang bawat “Juan” na makabiyahe sa kanilang pangarap na destinasyon sa pamamagitan ng “ boosted rewards points.

Ang nasabing programa ay dinaluhan nina Liza Gokongwei-Cheng, Albert Tinio, Candice Iyog, cindy Deng, Reymund Villanueva, at Nate clark kung saan ginanap sa Palacio De Memoria sa Roxas Blvd. Paranaque City nitong Pebrero 9 ng umaga.

Nabatid na nagsanib puwersa ang GoTyme Bank at Go Rewards para simulan ang pinakabagong rewards booster sa mga pasahero ng Cebu Pacific na makakaipon ng points gamit ang kanilang GoTyme Bank Visa Debit o Virtual Card.

Maaaring gamitin ang mga naipong points para makapag-book ng libreng flights sa Cebu Pacific, na sakto sa mga “Juan” na may future travel plans

Habang sa Go Rewards naman ay maaring gamiting pambayad ang mga naiipong points sa higit 2000 merchant partner sa buong bansa.

Layon ng programang rewards booster na maisakatuparan ang free travel sa mga local at international destination para buksan ang financial potential ng bawat isa sa pamamagitan ng next level banking. MHAR BASCO