DISMAYADO si Senador Sonny Angara sa umano’y napakabagal na implementasyon ng libreng wi-fi sa bansa, partikular sa state universities and colleges o SUCs.
Dahil dito, kinalampag ng senador ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para madaliin nito ang pagpapatupad sa naturang proyekto.
Anang senador, napakalaking tulong ng libreng internet sa mga paaralan lalo’t magagamit ito ng mga mag-aaral sa kanilang mga pagre-research para makagawa ng mga asignatura at school projects.
Partikular na ikinalungkot ng senador ang datos mula mismo sa DICT na nagsasabing sa ilalim ng kanil-ang proyektong ‘Pipol Konek’, dalawa lamang sa kabuuang 112 SUCs ang napagkalooban ng libreng in-ternet. Ang mga ito ay ang Aklan State University at ang CARAGA State University.
Binigyang-diin ni Angara, vice chairman ng Senate finance committee, na ipinaglaban niya ang kauku-lang budget para sa DICT ngayong taon sa pag-asang agad na mapopondohan ang instalasyon ng li-breng wi-fi sa lahat ng SUCs sa buong bansa, gamit ang P327-M alokasyon para sa proyekto.
“Tayo po ay nadidismaya sa napakabagal na pagpapatupad ng libreng Wi-Fi para sa ating mga mag-aaral. Napakalaking tulong nito, lalo na sa mga estudyanteng malayo sa kanilang pamilya. Isa ang inter-net sa mga tulay na namamagitan sa mga magkakaibigan, magkakamag-anak upang kahit na magkaka-layo ay mapananatili ang kani-kanilang komunikasyon,” ani Angara.
Dahil dito, umaasa si Angara na sa ipatatawag na pagdinig ng kanyang komite para sa budget ng DICT ay mabibigyang-linaw ni DICT Acting Sec-retary Eliseo Rio ang dahilan ng implementation delay at kung ano-ano ang mga binubuo nilang hakbang para sa mabilis na pagpapatupad ng free inter-net.
“Kung libre ang wi-fi, malaki ang matitipid ng mga mag-aaral dahil hindi na sila gagastos para sa com-puter shops o sa pagpapa-load para makapag-Internet, o makapag-research para sa kanilang mga as-signment,” ayon pa sa senador.
Nabatid na ngayong taon, sa kabuuang P1.7-B na inilaan sa Pipol Konek! Free Wi-Fi Project ng naturang tanggapan, P327-M dito ang para sa li-breng internet sa SUCs at P1.36-B naman para sa free wi-fi sa mga pampublikong lugar.
Gayunman, ayon pa rin sa DICT, Hunyo ngayong taon, 10 porsiyento lamang ng budget sa nasabing proyekto ang kanilang nagamit.
Sa isa ring report ng Commission on Audit (COA) noong 2017, lumabas na napakababa ng performance rate ng natur-ang proyekto. VICKY CERVALES
Comments are closed.