FREE WI-FI STATIONS ITATAYO NG GOOGLE SA 50 LUGAR SA PINAS

FREE WIFI

MAY 50 lugar sa bansa ang ma- bibiyayaan ng libreng wi-fi stations na itatayo ng Google sa pagtatapos ng Pebrero.

Napag-alaman na layunin ng Google na makapagbigay ng libre at dekalidad na wi-fi connection sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang libreng wi-fi ay target itayo sa mga pampublikong lugar tulad ng mga paliparan, market areas, malls at bus station.

Kabilang sa mga lokasyon na magkakaroon ng libreng wi-fi sa pamamagitan ng Google Station ay ang Light Rail Transit-2 (LRT-2),  Metro Rail Transit-3 (MRT-3),  Araneta Bus Port,  Cebu South Bus Terminal, Clark In-ternational Airport, Davao International Airport,  Batangas Port,  Ateneo De Naga University,  Bohol Island State University,  Bukidnon State Uni-versity,  Colegio de San Juan de Letran Calamba,  Columban College Inc. Holy Cross of Davao College, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Southern Luzon State University, University of Cebu-Main Campus, City Hall of Baguio, Manda-luyong City Hall, Ali Mall at Gateway Mall.

Nauna nang nagtayo ng Google Stations sa India, Mexico, Thailand at Nigeria.

Comments are closed.