FREE WIFI STATIONS PINALAWAK NG GOOGLE SA PINAS

Google Station

INIHAYAG ng Google na pinalawak nila ang libreng WiFi sa Filipinas sa 400 mula sa 50, limang buwan simula nang ito ay ilunsad ng kanilang local carrier na Smart.

Ang Google Station ay may average na 1 million monthly active users, at mga taong kumokonekta sa average ng 22 minuto ka-da sesyon ilang beses sa isang araw, sabi ng Google sa isang pahayag.

Ang serbisyo ay makakamtan sa ilang piling lugar sa Maynila, Clark, Davao, LRT 2 at MRT 3 stations at ilang unibersidad sa probinsiya, sabi pa ng Google.

“This is just the beginning. With our partnership with Smart, we aim to set up Google Station in more locations nationwide so Filipinos can connect to opportunities and benefit from the growing digital economy,” sabi ni K. Suri, Google director for Next Billion Users for Southeast Asia.

Comments are closed.