MALINAW ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang event kamakailan na mananatili ang kanyang desisyon na hindi makikialam sa mainit na labanan para sa susunod na House Speaker, sa halip ay magiging neutral ito.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, mahusay ang ginawa ng Pangulo na maging neutral at bigyan ng pagkakataon ang mga Congressmen na pumili sa gusto nilang maging House Speaker.
Sinabi naman ni Congressman-elect Allan Peter Cayetano na ang kailangan sa Kamara ay isang leader na mahusay dahil sa hindi on- the-job trainee (OJT) ang trabaho rito.
Dagdag pa nito, tama ang sinabi ni Martinez na hindi kelangan ng bagito na madaling makudeta sa Kamara.
Partikular na tinukoy ni Martinez si Allan Lord Velasco na ang tanging qualification, maliban sa baguhan na mambabatas ay ang pagiging “close” umano nito sa pamilyang Duterte ngunit, pinalagan ito dahil mas close pa si Cayetano rito na naging Vice Presi-dent ni Pangulong Duterte noong nakaraang Presidential election.
Gayundin, hindi naging maganda sa mata ng publiko ang engrandeng pa birthday ni Velasco kay Davao Mayor Sara Duterte sa Singapore na naka-post pa sa social media account nito.
Sinasabing kabilang sa aspiring House Speaker ay sina Allan Peter Cayetano, Martin Romualdez, Allan Lord Velasco na pawang malapit sa pamilyang Duterte.