Ipinasa ng Kamara ang House Bill 8817, o ‘Freelance Workers Protection Act,’ na akda ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda.
Nauna na itong pinagtibay at inindorso ng House Committee on Labor and Employment.
Pinasalamatan ni Salceda ang mga kapwa niya mambabatas sa Kamara. Umani ng 195 boto ang HB 8817 at wala ni isa mang tumutol o hindi bumoto. Layunin nito na magkaroon ng legal na kontrata at proteksiyon ang freelance workers gaya ng mga content writer, taga sining at wedding planners o taga-balangkas ng kasal.
Ayon kay Salceda, layunin din ng HB 8817 na isulong ang mga karapatan at interes ng mga freelance workers sa nagbabagong sistema ng ekonomiya ng bansa, tiyakin ang akma nilang kita at kaayusan ng kung saan sila gumagawa, at protektahan sila sa mga pagkakatong ayaw silang bayaran ng tama at maayos.
Wala sa umiiral na Labor Code ang ‘freelancing’ at walang legal na balangkas para sa mga freelancer na tumutukoy sa mga manggagawang nagtatrabaho ng walang personal na pagsubaybay ang mga humihirang sa kanila. Bago pa ang pandemyang Covid-19, mga 1.5 milyon na ang bilang nila na bigla pang lumobo dahil sa pandemya.
“Kung magiging batas ang aking panukala, magkakaroon ng proteksiyong legal at kontrata, at kapatawaran sa mga hindi nila binayarang buwis ang mga ‘freelancers’ na dapat legal na magparehistro din sa BIR. Sa ngayon, pinag-aaralan din namin ang magandang sistema ng pensiyon para sa kanila,” pahayag ng mambabatas na tinawag ding “mga Tagapagligtas ng Ekonomiya” ang mga freelancers.”
Sa ilalim ng panukala, ang ‘freelancer’ ay manggagawang ‘self-employed’ na rehistrado sa BIR at nagbabayad ng taunan niyang buwis, na “hinihirang at binabayaran sa trabahong ipinagagawa sa kanila.”
Sa ilalim ng panukala, dapat ding bigyan ng ‘hazard pay’ ang mga freelancer katumbas ng 25% ng kabuuang kikitain nila sa loob ng panahong sila’y kontratado. Kung sila nama’y kailangang personal na naroon sa lugar ng trabaho, dapat ding bigyan sila ng ‘night shift differential’ o dagdag na panggabing bayad katumbas ng 10% ng kanilang regular na upa para sa bawat oras ng kanilang ipinagtrabaho.
May multang P50,000 hanggang P500,000 sa paglabag sa mga legal na probisyon ng panukalang batas, gaya ng hindi pagbayad sa manggagawa lampas ng 15 araw sa dapat petsa ng bayaran.
Ayon kay Salceda, “sa kapanahunan nating ‘millennial,’ mabilis na pakikipag-ugnay, malawakang kumunikasyon, at malikhaing pagni-negosyo na gamit ang ‘internet,’ asahan nating lalong lolobo ang bilang ng mga manggagawang hindi na kailangang pumasok sa opisina at sa kanilang tahanan o ibang kumbiniyenteng lugar na lamang magtatrabaho.”
“Naging buhay na ng milyun-milyong Pilipino ang ‘freelancing,’ lalo na ng mga nawalan ng trabaho bunga ng pandemya. Habang nagiging ‘digital’ ang ekonomiya, lalo pang susulong ang ‘freelancing’ at kung wala silang legal na proteksiyon, lalong lalala din ang pagsasamantala sa kanila,” paliwanag ng mambabatas.
237407 415433Soon after I initially commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now each time a remark is added I get four emails with the same comment. Is there any method you will be able to take away me from that service? Thanks! 366074