HINIHIMOK ngayon ng Filipinas ang French businessmen na paigtingin ang ugnayang pangkalakalan ng dalawang bansa.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nagpahayag ng pag-asa si Secretary Ramon Lopez, sa isang session sa French businessmen, na makatutulong ang France sa REBUILD PH Program.
“France can be our partner in rebuilding a post-pandemic world that is more inclusive and safer for everyone,” ayon umano kay Lopez.
Ginawa ni Lopez ang pahayag digitally noong Setyembre 16 sa harap ng mga executive ng MEDEF International na sumusuporta sa trade, technologic cooperation, at investments, gayundin sa long-term partnerships, lalo na sa emerging at developing markets at reconstruction markets.
Ang MEDEF ay isang non-profit private-funded organization na naglalayong isulong ang know-how abroad ng French companies sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.
Ayon kay Lopez, makatutulong ang grupo sa REBUILD PH — Revitalizing Businesses, Investments, Livelihoods, and Domestic Demand — na layong muling pasiglahin ang ekonomiya.
Binibigyang konsiderasyon nito ang gross domestic product, consumption, investment, government expenditure, export, at import.
“These four key goals are intended to keep jobs so people will have income that will bring back demand, which will entice companies to produce more supply,” sabi ni Lopez.
“We must therefore bring back business confidence and revive consumer confidence while balancing the importance of public health and running the economy,” dagdag pa niya.
Sa parehong miting ay tinukoy ni Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo ang electronics, healthcare and pharmaceuticals, aerospace, at information technology-business process management (IT-BPM) bilang sectors of cooperation.
Comments are closed.