FRENCH NASAGIP NG PCG; YATCH NASIRA

ISANG French na sakay ng isang private yacht ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southwestern Mindanao at BRP Bagacay (MRRV-4410) nang masangkot sa isang maritime incident sa bahagi ng Sulu Sea, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PCG Commandant Admiral George V. Ursabia Jr. nasagip ng kanyang mga tauhan ang French boat captain na Peter Niklaus.

Una rito ay nakatanggap ng report ang Coast Guard District Southwestern Mindanao hinggil sa isang yate na nasiraan at pinadpad ng malalaking alon sa laot.

Agad na naglunsad ng search and rescue operation ang PCG upang ma-respondehan ang nasiraang yate.

Sa bahagi ng karatagang sakop ng Zamboanga del Norte naitala ang huling lokasyon ng yate noong August 16.

Natunton ang lokasyon ng yate sa tulong ng mga lokal na mangingisda na patungo sa boundary ng Tubbataha Reef sa kasagsagan ng pangingisda.

Nang magkaroon ng komunikasyon ang PCG sa yate ay inihayag ni Niklaus na nagkaroon ng engine trouble ang yate habang patungo sa Puerto Princesa, Palawan mula sa Tambobo Bay, Siaton, Negros Oriental.

Lumitaw na naubusan ng gasoline ang yate kaya nabigong makadaong sa pinakamalapit na pantalan dahilan upang magpalutang ,-lutang ito hanggang sa mapadpad at sa bahagi ng Sulu Sea dahil sa masamang panahon.

Matapos nakumpirmang nasa maayos na kondisyon ang boat captain, nag-setup na ang PCG ng towing lines at dinala ang yate sa Zamboaga City Pier.

Habang inilagay naman sa mandatory quarantine sa isang isolation facility ang banyaga bilang precautionary measure sa gitna ng COVID-19 pandemic na nararanasan ngayon. VERLIN RUIZ

112 thoughts on “FRENCH NASAGIP NG PCG; YATCH NASIRA”

  1. 741195 954014Highest quality fella toasts, or toasts. will most definitely be given birth to product or service ? from the party therefore supposed to become surprising, humorous coupled with enlightening likewise. best man speaches 252060

Comments are closed.