FRESH LEMONADE FOR ALL AGES!

JACK'S FRESH LEMONADE

(ni Cris Galit)

TIKMAN natin ang masarap na inu­ming ito na mayroong 30 flavors na hindi mo aakalain na puwede palang gawin, pero talaga namang mae-enjoy hindi lang nina Ate at Kuya kundi maging ng buong pamilya!

Hindi lamang para masabi na kakaiba ang Jack’s Lemonade, masusi nilang pinag-aralan ang konsepto ng pagkakaroon ng maraming choices na lemonade drinks na hindi maaapektuhan ang sarap at kalidad ng kanilang produkto.

“Nu’ng ginawa namin itong Jack’s Lemonade, inisip namin na gawin ito na puwedeng pambata, puwedeng pang matanda at puwedeng pang-millennials kaya mayroong tea. We made a point na kung gagawa rin lang ng drink, dapat unique selling at dapat aside from the 30 flavors, gumawa kami ng mga kakaibang lasa. For example, ang le­mon puwedeng parang cheesecake,” kuwento ni Jolly Dela Peña, isa sa may-ari ng Jack’s Lemonade.

Masyado bang ma­rami ang 30 flavors na pagpipilian?

Worry no more! Kasi mayroon silang top 10 best-sellers na tiyak na magugustuhan mo at ng buong pamilya.

10 BEST-SELLERS

JACK'S FRESH LEMONADE-2Kabilang na rito ang Lemon Cheesecake, Green Apple with Poppers and Coconut Jelly, Basil Rich Tamarind, Cucumber Lemonade with Honey, Blueberry Tea Lemonade with Pudding, Peach Le­monade with Poppers and Pudding, Ginger Lemonade with Honey, Strawberry Lemonade with Basil Seeds, Le­mon Squares with Yogurt at Kiwi Lemonade with Coconut Jelly.

“Napansin namin na ito ‘yung palaging ino-order, so, ginawa namin ‘yung 10 best-sellers na ito kasi mayroong  naguguluhan sa dami ng flavor,” paliwanag ni Dela Peña.

Bukod sa sampung gustong-gusto ng kanilang mga customer, pamoso rito ang Lemon Cheesecake na talaga namang masarap at refreshing, pero maganda ang pagkaka-blend ng alat ng cheese at ng le­monade – higly recommended, ‘ika nga!

PANG-PAMILYANG LEMONADE DRINKS

Jack – O ‘yung mga tipong paboritong inumin ni Kuya.

Narito ang basic or classic flavors tulad ng Jack’s Lemon Cheesecake, Basic Rich Tamarind at Strawberry Chesecake. ito rin umano ‘yung mga personality ng tao na innovative at walang takot mag-try ng mga bago tulad ng lemon cheesecake.

JACK'S FRESH LEMONADE-3Dad John – Para naman ito kina daddy na mahilig sa Tea Lemonade.

Mom Jenny – Dito naman mahihilig sila mommy at health-conscious– ‘yung mga herb tulad ng fresh basil, fresh mint, ginger at tamarind.

Sister Julia – Sila naman ‘yung younger generations na mahihilig sa fruit flavors tulad ng strawberry, apple, kiwi, peach at iba pa.

Baby James – Pang kids naman itong category na ito kasi mayroon itong gummy worms sa ibabaw.

EMPLOYMENT WITH TRANSFORMATION THROUGH PERSONALITY AND SKILLS DEVELOPMENT TRAINING

Batid ni Ms. Jolly ang kahalagahan ng pagbibigay ng training sa kanilang mga employee lalo pa’t karamihan sa kanila ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo.

“Naisip ko naman, bakit ka magbi-business kung hindi mo nata-transform ang isang tao? In our own little way, may isa o dalawang tao na natutulungan ng skills and personality development training,” aniya.

JACK’S KIOSKS

Mayroong siyam na kiosk ang Jack’s Le­monade na matatagpuan sa Acitivity Center, Glorietta 4; 3rd Level, Glorietta 1; 2nd and 4th Level Market! Market!; Food Choices, Ayala Malls Feliz; Cinema Level, UP Town Center;  Ground Level, Trinoma; Food Forum, Edsa Shangri-la Mall; at 5th Level, Bridgeway Bldg. A., Megamall.

LESSON LEARNED

JACK'S FRESH LEMONADE-4“First, ‘yung being consistent. Madaling mag-open ng brand eh, pero halimbawa na-burn-out ka na, ang iisipin mo, isara mo na. But then, sa tagal na namin, na-realize rin namin na hindi puwedeng agad mag-gi-give-up ka. Dapat ibigay mo muna lahat ng iyong “super best”. Mayroong something new, mayroon ka pa ring puwedeng magawa for the brand,” kuwento pa ni Ms. Jolly.

Lagi rin umanong magdasal, maging innovative at mag-enjoy sa ginagawa.

OPEN NA SILA FOR FRANCHISE!

One thought on “FRESH LEMONADE FOR ALL AGES!”

Comments are closed.