FRESHLY MADE SANDWICHES AND HEALTHY DRINKS

FRESHLY MADE SANDWICHES

Bagong handog ng Pan Pacific Manila na perfect para sa lahat

(ni CT SARIGUMBA)

SA PANAHON ngayong karamihan sa atin ay nagmamadali, naghahanap na rin tayo ng madaling paraan upang makakain ng healthy at masarap.

Sa kaabalahan nga naman ng marami sa trabaho gayundin sa pag-aaral, kadalasan ay wala na tayong panahong mag­luto. Nakahiligan na rin natin ang kumain sa mga restaurant.

Pero hindi lahat ng pagkaing makikita o mapipili natin sa mga restaurant ay masasabi na­ting masarap at healthy. Bago natin kawilihan o kaibigan ang isang pagkain at inumin, kilatisin muna natin ito nang matiyak na healthy ito at masa-satisfy ang ating sarili.

Kung may dalawa mang pagkaing masarap at on-the-go, iyan ang sandwich at salad. Dahil diyan, maraming puwedeng pagpiliang sandwiches at salad sa Lobby Lounge ng Pan Pacific Manila na nagkakahalaga lamang ng 200 net per order. Perfect na perfect ito sa mga taong nagmamadali at naghahanap ng kakaibang pagkaing kaiibigan

Narito ang ilan sa mga pagkain at inuming puwedeng tikman:

SANDWICH MUFFALETTA SANDWICH IN FOCACCIA BREAD

Kadalasan ay naghahanap tayo ng bagong hitsura at lasa ng isang pagkain. Nakasasawa nga naman kung paulit-ulit lang ang kinakain natin, niluluto o binibili.

Kaya naman, sa mga naghahanap ng kakaibang lasa ng sandwich, isa sa maaaring subukan sa Pan Pacific Manila ang kanilang New Orleans signa-ture na Muffaletta Sandwich in Focaccia bread. Layer ito ng chorizo, pepperoni, ham, mozzarella, cheddar, at gruyère cheese, lettuce at olive tapenade served on warm focaccia bread.

HAM AND CHEESE CROISSANT

Bukod sa Muffaletta Sandwich in Focaccia bread, isa pa sa masarap tikman ang Ham and Cheese Croissant. Gawa naman ito sa sliced farmer’s ham, tomato, onion, lettuce, at gruyère cheese on a flaky croissant.

CHICKEN TORTILLA WRAP CHICKEN TORTILLA WRAP

Hindi rin naman magpapahuli ang Chicken Tortilla Wrap. Gawa ito sa sautéed chicken strips, white onions, lettuce, tomato,  cucumber, at garlic mayo sauce wrapped in wheat tortilla.

PULLED PORK ALA CUBANO

Mayroon din silang classic favourite, ang Pulled Pork ala Cubano na gawa sa slow-braised pork, caramelized onions, cheddar cheese on Cuban bread.

MANGO KANI SALAD

Hindi lamang din iba’t ibang sandwich ang maaaring subukan sapagkat mayroon din silang Mango Kani Salad. Ang mga ginamit na sangkap sa paggawa nito ay ang fresh sweet mangoes, crab stick, at cucumber, topped with fish roe and dried seaweed o G&G Salad na gawa sa selected fresh greens, mango, grapes, tomato, feta cheese, walnut, topped with grilled chicken breast drizzled in garlic-mayo dressing.

HEALTHY DRINKS

Pan Pacific Manila-2May healthy drinks din na talaga namang nakapagpapa-refresh. Kaya’t kung nais mong simulan ang healthy routine, subukan na ang healthy drinks gaya ng Citrus Earl Iced (a concoction of Earl Grey Tea, Fresh Orange, Lime, Lemon, and Honey), Honey Cardamom Iced Tea (English breakfast Tea, Cardamom, Star Anise, Cinnamon, and Honey), Ginger Mint Iced Tea (Peppermint Tea with Ginger and Lychee), Cucumber Lemonade (a refreshing mix of Cucumber, Le­mon, and Honey), Fresh C.O.C Juice (Carrot, ­Orange, and Cucumber), at Maple Cranberry Juice (Cranberry, Calamansi, Fresh Orange, and Maple) na matitikman sa abot-kayang halaga na Php180 net.

Nag-o-offer din ang Lobby Lounge ng a la carte menu ng international at local dishes. Bukas ito mula 7 AM hanggang 1AM at matatagpuan sa Ground floor ng Pan Pacific Manila, M. Adriatico cor. Gen. Malvar Streets, Malate, Manila.

Comments are closed.