FRIDAY TREAT (Blazers vs Bombers; Stags vs Generals)

NCAA BASKETBALL

Standings

W            L

San Beda             8              0

CSB                        5              2

LPU                        6              3

Letran   5              3

SSC-R    4              3

Mapua  3              5

JRU                        3              5

Perpetual            3              6

Arellano               2              6

EAC                        1              7

 

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

2 p.m. – CSB vs JRU (Men)

4 p.m. – SSC-R vs EAC (Men)

MAGKAKAROON ng pagkakataon ang College of Saint Benilde na putulin ang two-game losing streak kontra Jose Rizal University sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Subalit sasalang ang Blazers sa 2 p.m. contest na wala si coach TY Tang, na pagsisilbihan ang kanyang one-game suspension.

Nakatakda sanang pagsilbihan ni Tang ang kanyang suspensiyon laban sa Letran noong Martes subalit nakansela ang kanilang laro dahil sa masamang panahon. Si first assistant Charles Tiu ang magmamando sa pagkawala ni Tang.

Sisikapin naman ng San Sebastian na maiposte ang kanilang unang three-game winning streak sa season sa pagsagupa sa Emilio Aguinaldo College sa isa pang laro sa alas-4 ng hapon.

Makaraang simulan ang torneo na may limang sunod na panalo, yumuko ang St. Benilde sa last season’s finalists San Beda at Lyceum of the Philippines University, upang makuwestiyon ang kakayahan nito na makapasok sa ‘Final Four’.

Nalasap ng Blazers ang mga kabiguan makaraang ideklarang ‘out’ na sa kabuuan ng season si guard Jimbo Pasturan dahil sa left dislocated shoulder.

Hangad naman ng Bombers na tapusin ang first round na nahigitan nila ang kanilang three-win total noong nakaraang taon.

Hindi pa naglalaro ang  JRU magmula nang malasap ang 63-83 decision sa Mapua noong nakaraang Agosto 16. Ang Bombers ay kasalu-kuyang tabla sa Cardinals sa 3-5.

Nalusutan ang three-game losing streak at ang suspensiyon na ipinataw kay coach Egay Macaraya, ang Stags ay balik sa Final Four contention kung saan naghahabol sila sa fourth-running Knights (5-3) ng kalahating latro lamang.

Sa likod ng career-high 31 points ni Allyn Bulanadi, pinataob ng San Sebastian ang University of Perpetual Help System Dalta, 107-90,  para sa 4-3 kartada.