Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – NLEX vs Blackwater
5:45 p.m. – NorthPort vs Meralco
TARGET ng NLEX ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Blackwater habang sasalang ang Meralco sa unang pagkakataon kontra NorthPort sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2022 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Nakatakda ang salpukan ng Road Warriors at Bossing sa alas-3 ng hapon habang magsasagupa ang Bolts at Batang Pier sa alas-5:45 ng hapon.
Nakansela ang unang laro ng Meralco laban sa NLEX noong nakaraang Linggo dahil sa bagyong Karding.
Hindi nakasisiguro ang NLEX na masungkit ang ikalawang sunod na panalo matapos na pataubin ang Rain or Shine laban sa Blackwater na pinalakas ni dating Talk ‘N Text Troy Rosario.
Hindi naglaro si Rosario sa unang laro ng Blackwater kontra Bay Area kung saan natalo ang Bossing, 133-87, sa Mall of Asia Arena.
Muling masusubukan ang galing ni NLEX import Edward Clark sa una niyang pagharap sa 23-anyos na Blackwater reinforcement Cameron Krutig na nabigong ibigay ang unang panalo sa Bossing kontra Dragons.
Tutulungan ni Rosario si Krutig kasama sina JV Casio, Renato Ular,Baser Amer, Barkley Ebona, Yousef Taha at Brandon Ganuelas-Rosser laban sa mga shooter ng NL:EX na sina Kevin Alas, Don Trollano,Kenneth Igahalo, JR Quinnahan at Raul Soyud.
Matagal naglaro si Rosario sa TNT at miyembro ng koponan na nanalo sa Philippine Cup bago biinitawan ni coach Chot Reyes at napunta sa Blackwater sa isang blockbuster trade
Ilalatag ni Johnny O’ Bryant ang kanyang NBA credential sa kanyang PBA debut bilang Meralco import sa pagharap kay Prince Ibeh.
Si coach Norman Black ang personal na pumili kay O’Bryant at naniniwala ang veteran mentor na makatutulong ang NBA veteran sa title campaign ng Meralco na hanggang ngayon ay bigo pa ring manalo ng PBA title.
Naglaro si O’Bryant sa tatlong NBA teams — Milwaukee Bucks, Denver Nuggets at Charlottes Hornets — gayundin sa European Circuit matapos maglaro sa Vietnam.
Tutulungan si O’Bryant sa opensiba nina Chris Newsome, Alein Maliksi, Aaron Black, Chris Banchero, Cliff Hodge, Kier John Quinto at Raymond Almazan.
CLYDE MARIANO