FRIED TOKWA PARA SA NEGOSYO AT PAMILYA

tokwa

Paminsan-minsan, hayaan ninyong bigyan namin kayo ng mura at masarap na ulam. Paminsan-minsan lang po dahil mahirap maghanap o umimbento ng recipe na good for 6 person, pero abot lang ng P20-P30. Sobra na kasing mahal ng mga bilihin ngayon. Sa totoo lang. Actually, kung sa palengke tayo maghahanap ng mura, baka mura ng tindera ang mapala natin. Kaya pagtiyagaan na lamang ninyo kung ano ag meron. Ngayong araw na ito, subukan natin ang fried tofu na lasang fried chicken. Heto po ang mga kakailanganin natin sa kusina:

Una syempre sa listahan ang isang block ng tofu. P25 ito sa palengke na tumi­timbang ng isang kilo, ngunit kapag napatigis ay aabot na lamang ng 750 grams. Hati-hatiin sa bite size ang tofu at isantabi muna.

Ihanda ang harina (P5) na binili sa palengke. Lagyan ito ng asin at paminta, at isantabi uli.

Ngayon, ihanda ang kawali at kapag mainit na, pagulungin sa mantika ang mga tofu chunks hanggang maging golden brown. Hanguin ito at i-drain at pagkatapos ay pagulungin sa harina.  Muling iprito hanggang sa lumutong. Muling hanguin at patigisin ang excess oil. Pwede na itong kainin ngayon, ngunit mas magiging masarap kung isasawsaw sa pinaghalong isang kutsaritang asukal, kalahating kutsaritang asin, isang siling labuyo, isang maliit na sibuyas na tinadtad, dalawang cloves ng bawang, at kalahating basong tubig. Pwede rin namang isawsaw na lamang sa catsup o sa sweet & sour chili sauce, o kahit pa sa lechon sauce – depende kung ano ang gusto ninyong sawsawan.

Lahat-lahat, gumastos tayo ng P30 para sa isang pamil­yang may anim na miyembro. Pwede rin natin itong hatiin sa anim na bahagi upang maibenta ng P15 per share, na kasyang kasyang ulam para sa dalawang tao.  NV

4 thoughts on “FRIED TOKWA PARA SA NEGOSYO AT PAMILYA”

  1. 388507 452043Thrilled you desire sensible business online guidelines keep wearing starting tools suitable for the specific web-based business. cash 116939

Comments are closed.