FRIENDSHIP NINA JENNYLYN AT NAR PANG-FOREVER

KAHIT natapos na ang kanilang pagsasama sa Pinoy version ng My Love From The Star, wala na showbiz talktalagang makapipigil pa sa friendship nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Kapuso singer Nar Cabico.

Kahit hindi sila madalas magkasama, hindi pa rin sila nakalilimot sa isa’t isa. Kahit nga busy sa taping ng The Cure, hindi nakakaligtaan ni Jen na pasalamatan ang kaibigan kahit ano mang gawin o ipa­dala sa kanya nito. Talaga ngang #TeamForever ang pagkakaibigan nila at nandyan sila para suportahan ang isa’t isa.

Samantala, mas intense at kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa The Cure dahil kailangan sundin nina Charity (Jennylyn) ang bawat utos ng reyna-reynahan na si Suzy (Diva Montelaba) para lang hindi mapaalis sa kampo ng mga survivor. Ano kaya ang mangyayari kay Charity at sa pamilya nito? ‘Yan ang hindi dapat palampasin sa mas exciting na mga eksena sa The Cure gabi-gabi!

GOOD EXAMPLE BILANG YOUNG ENTREPRENEUR SI ROWENA PAYOD

ROWENA PAYOD“DI masamang pa­ngarap,” iyan ang laging sambit sa amin ng young entrepreneur na si Rowena Payod nang na-meet namin sa Cebu nang mag-attend si Rowena ng  acting workshop ng kanyang anak na si Crystal. Hilig mag-artista ng anak.

Tulad nang anak niyang si Crystal, nangarap din si Rowena na sana magkaroon siya ng maliit na business. Sales clerk siya ng isang computer spareparts shop nang ma­ngarap siya,  Sa pagsisikap niyang makaipon sa pagsisimula ng sariling negosyo, nagawa niya.

Ani Rowena: “Nakaipon ako ng P1,700, agad ako bumili ng maliliit na spare parts ng computer na saleable. Sa mga friend ko ibinebenta, kaya mabilis ang sales ko.”

Hanggang ang maliit na puhunan, madali niyang napalago  sa tulong ng kanyang monthly salary at tubo sa mga ibinebenta. Sa tulong din ng mga kaibigang mabait na nagtiwala na  magpautang ng konting puhunan, nakuha ni  Rowena ang isang puwesto sa Cebu.

Binigyan niya ang kanyang store na  pangalan na Preswen Marketing na matatagpuan sa APM Shoppine Mall, A. Soriano Ave., Mabolo, Cebu City. Ang stall niya’y #M89 sa ground floor. Kung gustong mag-order via cellphone, puwedeng itext ang #09976303345 or Cebu local landline number: 341-5926.

Puwedeng bumili ng lahat ng computer spareparts sa murang halaga! Genuine lahat dahil direct sa distributor ang kanilang ibinebentang spare parts.

Ani Rowena: “Dahil love  ko ang computer, kahit ako ay marunong ding mag-repair. Masarap ang pakiramdam kung nagagawa mo ang gusto mo sa sarili mong negosyo.”

Gusto rin ni Rowena na magsikap din ang anak na nangangarap na maging arista. Kaya ngayon pa lang ay mahilig mag-attend ng workshop. Recently, nag-attend si Crystal ng workshop ni Direk Gina Alajar sa Cebu City organized by Debbie Uy and company.

Comments are closed.