FRNK ni Isabelle Daza

Shania Katrina Martin

Hindi sapat ang involvement ni Isabelle Daza sa Recess para maging nasyadong abala kaya eron din siyang FRNK na nasa ilalim din ng kanyang responsibilidad. At iyan ay bukod pa sa pagiging artista at hosting career. Saying daw kasi ang oras.

Ang FRNK Milk Bar ay matatagpuan sa G/F Glorietta 3, Ayala Center, Makati City, at bukas araw-araw mula 9 a.m. hanggang 9 p.m. Monday to Thursday, at nd 9 a.m. to 12 a.m. Friday to Sunday.

Parang walang liwanag sa dulo ng milk-tea tunnel – kung meron nga bang dulo. Sabi nila, hindi raw healthy ang palaging pag-inom ng milk tea palagi. Pero pupunta ka sa milk tea shop and you are there for a good time, kaya i-enjoy mo na.

Ang bagong Glorietta setup ay parang isang pangarap sa paggamit nila ng mga magagandang kulay at soft textures, ganoon din ng mga gatas na nakagawian na nating inumin noong ating kabataan. Meron ding ‘gram covered drinks na wow na wow.

Lahat ng ingredients ng FRNK ay imported sa Kyoto, Japan. Pero hindi lamang iyon. If anything, nagse-serve lamang ito ng pinakamasarap na tea at pinakasariwang gatas. Ang kanilang dark chocolate ay picture-perfect. Wala ka nang hahanapin pa. Tinatawag nila itong Dirty Maccha na sobrang affordable ang presyo bukod sa napakasarap pa. Makakalimutan mong baka bawal pala ito sa’yo.

Napakarami pang mputh-watering drinks na pwede ninyong pagpiyestahan ditto tulad ng Midnight Ichigo, Cinnamon Miruko, Mochi Beri Chizu at mga cake tulad ng Flourless Chocolate Cake, Mochi Beri Chizu, Baked Purple Chizu at Frozen Cereal Miruku.

Ang pinakamalaking tanong ngayon, ano ang mapapala mo kapag natikman mo ang FRNK?

Well, frankly speaking – pwede rin nating sabihing FRNK-ly – para ka na ring nakarating sa Japan sa murang murang halaga. SKM