FRONTLINER NG PHL COAST GUARD MAY COVID-19, NAG-SUICIDE

PCG-2

NAGPAKAMATAY  ang  isang  tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsilbing frontliner sa kasagsagan ng coronavirus pandemic dahil sa  matinding depresyon nang mahawaan ito ng COVID-19.

Nakitang palutang-lutang sa Manila Bay ang bangkay ni Petty Officer Second Class (PO2) Richard A. Gonzales matapos umanong mag-suicide nang madiskubreng COVID-19 positive siya matapos na sumailalim sa coronavirus testing.

Ayon sa PCG, si Gonzales ay kabilang sa 3,600 na PCG personnel na itinalaga bilang frontliner.

“The Command will always remember PO2 Gonzales as a committed and selfless frontline personnel who served with bravery and passion to help others,” ayon sa PCG.

Aabot na sa mahigit  600 tauhan ng Philippine Coast Guard ang tinamaan ng COVID-19 .

Sa naturang bilang, 297 o halos kalahati ang maituturing na “active cases.”

May 71 naman ang bagong kaso.

Ayon sa PCG, agad na-pullout sa kanilang mga istasyon ang mga nagpositibo sa virus, at nabigyan na rin ng medical assistance para sa kanilang paggaling.

Samantala, may 45 bagong recoveries  ang naitala ng PCG sa kanilang hanay kaya sa kabuuan ay 303 na sa kanila ang gumaling.

Tiniyak ng PCG na regular silang magsasagawa ng swab tests sa kanilang mga tauhan at may sapat silang na supply ng vitamins, personal protective equipment sets, at iba pa nilang pangangailangan sa pag-duty.

Isinasailalim din sa debriefing sessions ang mga ito. VERLIN RUIZ

Comments are closed.