(Frontliners din vs COVID-19) TULONG SA BASURERO, JANITOR

SEN IMEE MARCOS-4

HINILING ni Senador Imee Marcos na ituring bilang frontliners tulad ng mga medical staff ang mga bas-urero, street sweeper, janitor at iba pang mga manggagawa na katuwang sa paglilinis ng mga komuni-dad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Panawagan ni  Marcos,  dapat siguruhin ang suportang pinansiyal  na matatanggap ng mga sanitation worker na may malaking ginagampanan at naitutulong sa mga ospital, tanggapan ng pamahalaan, con-dominium, supermarket at iba pang mga establisimiyento  para labanan ang nakahahawang sakit.

“Huwag nating kalimutan ang mga basurero, street sweepers at mga janitor na tumutulong para la-banan ang COVID-19. Buwis-buhay rin  ang kanilang ginagawang trabaho,” giit ng senadora.

Sa pagtaya ni Marcos, posibleng tumagal pa ang ipinatutupad ng pamahalaan na lockdown sa buong Luzon, kaya inihain niya ang Senate Bill 1414 para masiguro ang proteksiyon  ng mga frontliner pati na rin ng mga ordinaryong mangagawang mawawalan ng kikitain dahil sa krisis dulot ng COVID-19.

Isinusulong ng nasabing panukalang batas na palawigin ang P200 bilyong emergency budget hanggang P750 bilyong na nakalaan sa isang programang tinawag na Pag-ASA: Alaga, Sustento, Angat.

Paliwanag ni Marcos, maisasakatuparan ang layunin ng nasabing programa  gamit ang iba pang nakata-gong pondo sa mga ahensiya ng  gobyerno at mga pautang sa bangko.

Dagdag pa niya, dapat ding isama at ituring na frontliners ang mga sundalo, pulis, immigration person-nel, couriers at cargo handlers ng mga suplay ng pagkain at maging mga drayber ng shuttle service para sa mga staff ng mga ospital. VICKY CERVALES

Comments are closed.