FRONTLINERS IKINUMPARA KAY RIZAL

rizal

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna, kasama si Manila Police District (MPD) Director Gen. Rolly Miranda, ang paggunita sa ika-159  kaarawan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, Biyernes, June 19, sa pamamagitan ng isang simpleng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog nito sa Rizal Park.

Nanawagan din ang alkalde sa mamamayan na huwag kaligtaan ang pag-aalay ng buhay ng ating pambansang bayani matamo lamang  ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Hinalintulad ni Moreno si Rizal sa kasalukyan at makabagong bayani sa ngayon na mga frontliner na isinusuong ang kanilang buhay sa panganib sa araw-araw na pakiki­paglaban sa COVID-19.

Nanawagan din si Moreno ng pagkakaisa sa gitna ng pandemya at gaya nga ng napatunayan na ni Rizal, ito aniya ang susi sa tagumpay.

Binanggit din ng alkalde ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pag-unlad ng bansa at gaya nga ng sabi ni Rizal, sila ang pag-asa ng bayan kaya  panawagan ni Moreno sa kabataan ay tularan si Rizal.

Ayon pa kay Moreno ay kaisa siya ni Rizal sa paniniwala sa mga kabataan kaya naman iti­nutulak niya ang libreng edukasyon para sa lahat ng kabataan sa lungsod. VERLIN RUIZ

Comments are closed.