PINAGTINDI pa ni Sen. Grace Poe ang diwa ng “bayanihan” nang magkaloob ng libo-libong personal protective equipment (PPE), testing kits at food assistance sa mga ospital at local government units sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa ipinamahagi ng tanggapan ni Sen. Poe ang 2,500 PPE suits; 1,000 complete PPE sets; 2,000 piraso ng face shields; 23, 975 piraso ng facemasks; 15, 700 pares ng gloves; at 210 gallon ng alcohol sa mga frontliners sa iba’t ibang critical areas.
Kabilang din sa ipinagkaloob ni Poe ang 1,170 test kits sa mga komunidad na apektado ng COVID-19 sa NCR at karatig lugar.
Kasama rin ang may 2,700 50-kg. sacks of rice, libo-libong food packs at iba’t ibang klase ng pagkain na ipinagkaloob sa iba’t ibang sektor tulad sa transport groups sa MetroManila, Luzon ,Visayas at Mindanao.
Nagboluntaryo sa pagtulong ang miyembro ng kanyang pamilya, at mga kaibigan kabilang ang kanyang ina na si Susan Roces sa ilalim ng programang “Panday Bayanihan”.
Ang Panday Bayanihan ay isang NGO na nakapokus na pamamahagi ng relief products sa pamumuno ng kanyang anak at chief of staff na si Brian Poe Llamanzares.
Pormal na iniabot ni Llamanzares ang mga PPE donations sa Philippine Children Medical Center sa Quezon City kasabay ng pagpapasalamat sa mga nakiisa sa pagtulong sa mga frontliners.
“Malaki ang pasasalamat natin sa ating medical frontliners sa pagsuong sa panganib para maging ligtas ang mas nakararami. Sa ating pagbabayanihan, babangon tayong muli,” wika ni Poe sa kanyang Facebook post.
“As consistently echoed globally, the indomitable Filipino spirit will always prevail. As of today Panday Bayanihan has just completed distributing hundreds of sacks of rice in Quezon and the Bicol Region to help those badly affected by the recent typhoon.”
Comments are closed.