FRONTLINERS PINARANGALAN NG MGA SENADOR

PINARANGALAN  ng ilang senador ang mga medical frontliner at iba pang modernong bayani sa paggunita ng National Heroes’ Day.

Sa tweets, pinarangalan ni Senador Jinggoy Estrada ang mga mahahalagang frontline worker na nagsilbi sa panahon ng pandemya, na itinaya ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng mga Pilipino.

“Today, we commemorate the heroism of our forebears who responded to the call of their times and fought for our freedom and laid the foundation upon which our nation proudly stands,” ayon kay Estrada

“It is also befitting to honor today our present-day heroes – our health workers, teachers, uniformed personnel, service crew, and others who served as frontliners in battling the pandemic. Their dedication, courage, and daily sacrifices during this pandemic deserve our deepest gratitude and admiration,” dagdag pa niya.

Pinuri naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga frontliner bilang “modernong bayani” na nag-alay ng kanilang buhay, na naglilingkod sa laban ng bansa laban sa pandemya.

“Espesyal ang araw na ito dahil sama sama nating ginugunita ang kontribusyon ng ating mga bayani.

Puno ng pag-asa ang ating pagdiriwang dahil matapos ang mahigit dalawang taon, unti-unti nang bumubuti ang lagay ng bansa at unti-unti na tayong nakakabangon dahil sa ipinamalas na sakripisyo ng ating mga modernong bayani, ang mga COVID-19 frontliners,” ani Gatchalian.

“Tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, at marami pang iba, pinamalas din ng ating mga frontliners na ang kahulugan ng pagiging isang bayani ay walang alinlangang pagseserbisyo sa ating kapwa at sa bayan,” dagdag pa niya.

Nagbigay-pugay naman si Sen. Nancy Binay sa lahat ng bayani.

“Pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng mga bayaning Pilipino noon at ngayon!”

“Happy National Heroes Day! Tuwing nagkakaisa ang Pilipino, lahat ng suliranin ay kaya mapagtagumpayan! Mabuhay ang ating lahi and God bless the Philippines!” ayon naman kay Sen. Sonny Angara. LIZA SORIANO