MAGSISIMULA na ang isang programa sa telebisyon na magbibigay ng inspirasyon sa lahat kung saan angkop sa general patronage lalo na sa kababaihan.
Ito ang FTALK na ang host ay si Maite Defensor, isang negosyante at dating kongresista sa Quezon City, na handog ng A4 Telemedia and Marketing Services, Inc., at People’s Television Network (PTV 4).
Ayon sa A4 Telemedia and M&N Films katuwang ang AMT Multimedia Production Hauz Corp., angkop na maging host ng FTALK si Defensor dahil isa siyang ehemplo bilang empowered woman na humarap sa maraming pakikipaglaban sa kaniyang naging tungkulin habang naging matatag sa kaniyang journey sa buhay.
Sa panayam ng PILIPINO Mirror kay Ms. Defensor, nais nilang maging inspirasyon sa lahat ang tatalakayin ng kaniyang 30-minute TV show na mayroong pilot episode ngayong araw, alas-7:30 hanggang alas-8:00 ng umaga sa PTV 4.
Ang TV show ay mapapanood tuwing Sabado ng umaga na naglalayong tumalakay sa iba’t ibang pamumuhay kung saan unang ipi-feature ang mga female leader o ang mga woman of substance.
Aniya, isang positibong talakayan sa pamumuhay ang inaasahan ng kaniyang mga viewer dahil maingat ang naging pagpili nila sa kanilang magiging guest.
“FTALK is a 30-minute program that features different woman who plays important roles in our society,” ayon sa A4 Telemedia and M&N Films.
Kabilang sa pokus ng bagong TV show sa PTV 4 ang mga naging career, achievements, lifestyle at abilidad ng magiging guest ng FTALK.
HINDI LIMITADO
Tiniyak naman ni Defensor na hindi limitado sa mga personalidad ang kanilang TV show dahil lahat ay kanilang tatalakayin subalit titiyaking mai-inspire ang kanilang viewer at magkakaroon ng lesson sa buhay.
“We will invite female leader in different field of work to discuss their stories on how they were able to achieve the position they have today,” dagdag pa ni Defensor.
LAHAT WELCOME
Dagdag pa ni Defensor na hindi lamang locals ang kanilang kakapanayamin na personalidad dahil posible ring mula sa labas ng bansa dahil ang mahalaga ay makapagbigay sila ng inspirasyon, encouragement at aral sa kanilang mga viewer.
Isang magandang talakayan din sa pagitan ng PILIPINO Mirror at kay Defensor at maging sa staff ng FTALK na ang venue ay ang ELM Kapihan and Winery sa Ever Gotesco branch sa Quezon City.
Kabilang din sa mga sponsor ng FTALK ang Courbe Facial and Body Specialist, Smartron at ang PAGCOR.
Inaanyayahan naman ni Defensor ang lahat na panoorin ang kaniyang TV show sa PTV 4 gayundin sa social media at i-follow and like ang kanilang page sa www.facebook.com/ftvch; instagram: ftalk tv; youtube: ftv entertainment. EUNICE C.
Comments are closed.