FUEL MARKING UMABOT NA SA MINDANAO

fuel marking-2

UMABOT na sa Mindanao ang isinasagawang nationwide roll-out ng Fuel Marking Program ng pamahalaan, sa pagsisimula ng marking ng may 60 milyong litro ng diesel fuel sa Northern Mindanao Import Facility (NMIF) na minamantina ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation sa Cagayan de Oro noong Linggo, Nobyembre 24.

Ang naturang marking na unang isinagawa ng Pilipinas Shell ay sinaksihan ng mga opis­yal ng Bureau of Customs at mga kinatawan mula sa project contractor na SGS-SICPA.

Sinundan naman ito ng preliminary inspection sa Davao terminals ng Phoenix Petroleum at Insular Oil ng Department of Finance, Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, at Department of Budget and Management.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10963 o ang TRAIN Law, ang mga petroleum product na refined, manufactured, o inangkat ng Filipinas, ngunit hindi limitado sa unleaded premium gasoline, kerosene, at diesel fuel ay kinakailangang lagyan ng official marking agent matapos na makapagbayad ng taxes and duties.

Pagsapit ng February 3, 2020, lahat ng gasolina, diesel at kerosene na inire-retail sa bansa ay inaasahang namarkahan nang lahat.

Sa kasalukuyan, nasa 435 milyong litro na ng fuel ang natapos nang lagyan ng marka.

Ang mga Petroleum company na nagsimula nang sumailalim sa fuel marking ng kanilang mga produkto ay ang Seaoil, Pure Petroleum Corp., Phoenix Petroleum Corp., Unioil Petroleum Philippines, at buong network ng Chevron Philippines, Inc. at Shell NMIF.

Noong Agosto 2, 2019, ang Fuel Marking Program ng pamahaaan ay unang inilunsad sa pamamagitan ng live marking ng petroleum products sa Seaoil Bulk Terminal sa Mabini, Batangas.

Inaasahang sa loob ng anim na buwan matapos ang initial marking, nakatalima nang lahat ang petroleum companies at nakikipagtulungan sa BOC para sa pagmamarka ng kanilang mga produkto.

Comments are closed.