Mga laro ngayon:
Araneta Coliseum
3 p.m. – Blackwater vs TNT
6 p.m.- NLEX vs Ginebra
NANATILI ang Phoenix Super LPG sa kontensiyon para sa isang puwesto sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup.
Ito’y makaraang mapigilan ng Fuel Masters ang paghahabol ng Alaska at maitakas ang 104-99 panalo nitong Huwebes sa Araneta Coliseum.
Impresibo ang bagong import ng Phoenix na si Du’Vaughn Maxwell sa kanyang debut sa pagkamada ng 21 points at 21 rebounds. Kumana naman si Matthew Wright ng 26 points, 11 assists, at 7 rebounds.
Nagdagdag si Jason Perkins ng 22 points, habang tumipa si veteran guard RJ Jazul ng 20 points, kabilang ang clutch layup sa final minute ng laro.
Pinutol ng Fuel Masters ang three-game losing streak at umangat sa 5-5 kartada, habang nahulog ang Alaska, na nabigong masundan ang upset win sa Meralco sa 6-4.
“We know how important this game is for us and we also know that Alaska is on a run and we respect that team so much,” sabi ni Fuel Masters coach Topex Robinson matapos ang laro. CLYDE MARIANO
Iskor:
Phoenix (104) – Wright 26, Perkins 22, Jazul 21, Maxwell 21, Porter 6, Manganti 5, Melecio 3, Rios 0, Robles 0, Demusis 0, Pascual 0, Garcia 0.
Alaska (99) – Ashaolu 24, Herndon 17, DiGregorio 13, Ahanmisi 12, Teng 12, Taha 10, Tratter 7, Racal 2, Bulanadi 2, Faundo 0, Ilagan 0, Stockton 0.
QS: 31-20, 48-47, 81-74, 104-99.