TINANGKA ni Jvee Mocon ng Phoenix na agawan ng bola si Magnolia import Tyler Bey sa Game 3 ng PBA Commissioners Cup semifinals kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Kuha ni PETER BALTAZAR
SUMANDAL ang Phoenix Super LPG sa malakas na second half upang durugin ang Magnolia, 103-85, sa Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals nitong Linggo sa Mall of Asia Arena.
Nagsalitan sina Johnathan Williams at RJ Jazul sa pangunguna sa second half surge ng Fuel Masters, na nagbigay-daan upang burahin nila ang 21-point deficit at kumarera sa panalo na nagtapyas sa kanilang deficit sa 1-2 sa best-of-five duel.
“Coming into the second half we just told ourselves we weren’t having fun and we were just too tight and we were just letting Magnolia do the things that they wanted to do,” wika ni Phoenix coach Jamike Jarin matapos ang panalo.
“So we buckled down on defense and moved the ball and worked as unit both offensively and defensively,” dagdag ni Jarin. “Eventually, we caught up and executed and made some crucial baskets.”
Nanguna si Jazul sa pivotal 14-4 run ng Phoenix sa pagkamada ng tatlong sunod na nagbigay sa Fuel Masters ng 85-71 kalamangan at full control sa laro.
Nagtala rin sina Jason Perkins, Javee Mocon, Sean Manganti at Kenneth Tuffin ng ilang crucial points para sa Phoenix na naiposte ang ika-100 panalo sa franchise history habang napigilan ang Magnolia sa three-game sweep. Tumapos si Williams na may 19 points at 15 rebounds sa kabila na scoreless sa opening quarter. Nagpasabog siya ng 11 sa third period na nakatulong para makuha ng Phoenix ang momentum
Nagdagdag si Jazul ng 17 points habang nakalikom sina Manganti, Mocon at Tuffin ng tig-14 points at nag-ambag si Perkins ng 13 markers.
Pinangunahan ni Tyler Bey ang Magnolia na may 18 points at 12 boards ngunit gumawa ng anim sa 13 turnovers ng koponan. Nagdagdag si Paul Lee ng 17 points, nagtala si Calvin Abueva ng near-triple double na 14 at 9 boards bago na-foul out, may 5:27 sa orasan, habang nag-ambag si Ian Sangalang ng 10 points.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Phoenix(103) – Williams 19, Jazul 17, Manganti 14, Tuffin 14, Mocon 14, Perkins 13, Rivero 6, Tio 4, Verano 2, Muyang 0, Lalata 0, Garcia 0, Alejandro 0, Camacho.
Magnolia (85) – Bey 18, Lee 17, Abueva 14, Sangalang 10, Barroca 7, Ahanmisi 6, JReavis 4, alalon 4, Dela Rosa 2, Dionisio 2, Mendoza 0, Tratter 0, Eriobu 0.
QS: 17-31, 38-51, 71-67, 103-85.