FUEL MASTERS DUMIKIT SA FINALS

phoenix vs tnt

Mga laro sa Miyerkoles:

AUF Gym

3:45 p.m. – Meralco

vs Ginebra

6:30 p.m. – TNT

vs Phoenix

HINDI ininda ni Matthew Wright ang ankle injury na kanyang natamo sa Game 1 at pinangunahan ang Phoenix Super LPG Fuel Masters sa 92-89 panalo laban sa TNT Tropang Giga sa Game 3 ng PBA Philippine Cup semifinal series kahapon sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.

Kinuha ng Fuel Masters  ang 2-1 lead sa kanilang best-of-five series at lumapit sa Finals.

Nagbuhos ang  Fil-Canadian gunner ng game-high 25 points, tampok ang limang triples, kabilang ang dagger ng isang turnaround shot na nagbigay sa Phoenix ng 92-89 kalamangan sa huling  23 segundo na hindi natinag nang sumablay sina Roger Pogoy at Jayson Castro sa kani-kanilang pagtatangka na itabla ang laro.

Makaraang sundan ang kanilang 110-103 victory sa Game 2 noong Biyernes, maaaring tapusin ng Fuel Masters ang best-of-five series sa isa pang panalo sa Miyerkoles at sa panahong iyon, ang sprain na natamo ni Wright sa 92-95 Game 1 loss ay inaasahang bumuti na.

“I’m playing through the pain, playing with limited mobility,” pag-aamin ni Wright. “Four days after spraining my ankle it’s still really painful, it’s throbbing right now. I’m glad we have two days rest before the next game.”

Patuloy ang panonorpresa ni coach Topex Robinson sa kanyang kauna-unahang semifinals stint.

“Again, you’ll never know when you’ll get this chance again so no matter what the game is, it’s always about again just trying to enjoy it,” sabi ni Robinson. “We already overachieved coming to this series.”

Muling naging susi sa panalo ng Phoenix ang total team effort kung saan lumamang ito sa 71-61 bago napigilan ang TNT sa paghahabol.

Kumamada si Calvin Abueva ng 24 points, 14 rebounds at 6 assists habang nag-ambag si Jason Perkins ng 11 points para sa Fuel Masters.

Muling nagbida si Rayray Parks para sa TNT na may 19 points, 13 rebounds at 6 dimes habang nag-ambag si Simon Enciso ng16 markers. Makaraang mag-average ng  7.5 points lamang sa unang dalawang laro, si Troy Rosario ay tumapos na may 14 points at 7 rebounds. CLYDE MARIANO

Iskor:

Phoenix (92) – Wright 25, Abueva 24, Jazul 11, Perkins 11, Chua 8, Intal 5, Napoles 3, Rios 3, Mallari 2, Garcia 0, Marcelo 0, Heruela 0, Gamboa 0.

TNT (89) – Parks 19, Enciso 16, Rosario 14 , Castro 12, Pogoy 8, Reyes 5, Erram 6, Montalbo 6, Washington 3, Carey 0.

QS: 22-24; 49-47; 73-69; 92-89.

Comments are closed.