FUEL MASTERS KINAPOS SA DYIP

DYIP

Mga laro sa

Miyerkoles:

(Mall of Asian Arena)

4:30 p.m. – GlobalPort vs San Miguel

7 p.m. – Magnolia vs TNT

 

BINUHAT ni Glen Khobuntin ang Columbian Dyip sa come-from-behind 115-107 panalo laban sa Phoenix Fuel Masters sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Tumipa ang da­ting National University standout ng 18 points, 10 sa fourth  quarter, at apat na rebounds upang pangunahan ang Columbian sa ikaapat na panalo sa walong laro at ipalasap sa  Fuel Masters ang ikalawang sunod na kabiguan matapos yumuko sa second running Talk ‘N Text.

Nagsanib-puwersa sina  Khobuntin, import John Fields at Jeremy King sa fourth quarter upang itakas ang come-from-behind victory sa tuwa ni coach Ricky Dandan.

Dinomina ng Phoenix ang laro kung saan umabante ito sa 14 points, 39-25, at kinontrol and laro matapos ang first half.  Subalit biglang naubusan ng gasolina ang Fuel Masters at tumirik sa huli.

Bukod sa tulong sa scoring, nalimitahan din ni Fields si Eugene Phelps sa apat na points sa huling quarter matapos umiskor ng 14 sa first half.

“I told them never give up and keep fighting because the game is far from over. I praised them for their efforts,” sabi ni coach Dandan.

Unang umarangkada ang Phoenix sa 29-17 at 39-25 sa 5-0 run, kasama ang three-point play ni JC Intal. Hindi nawalan ng pag-asa ang Columbian at lumapit sa 42-44 sa 17-5 run sa mainit na mga kamay nina Khobuntin, King, Fields at Ronald Tubid matapos ilabas ni coach Louie Alas si ace gunner Filipino-Canadian Matthew Wright.

Lumaban ang Phoenix at tinapos ang first half na tangan ang 48-44 kalamangan. Napanatili ng Fuel Masters ang bentahe bago lumapit ang Columbian sa 53-56 at tumabla sa 65-all sa tres ni Camson.

Sa fourth quarter, na-outshoot ng Columbian ang Phoenix sa pinagsamang lakas nina Khobuntin, Fields, at King. CLYDE MARIANO

Iskor:

Columbian (115) – Fields 29, Khobuntin 18, King 15, McCarthy 15, Camson 13, Tubid 10, Escoto 6, Ababou 3, Sara 2, Cahi-lig 2, Corpuz 2.

Phoenix (107)  – Phelps 34, Wright 32, Perkins 14, Revilla 5, Intal 5, Wilson 5, Chan 4, Mendoza 2, Kramer 2, Chua 2, Jazul 2, Gamboa 0, Dehesa 0.

QS: 17-29, 44-48, 73-75, 115-107.

 

Comments are closed.