FUEL MASTERS NAG-INIT

PHOENIX-VS-MAGNOLIA

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – NLEX vs Blackwater

7 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia

IPINALASAP ng Phoenix sa Magnolia ang unang kabiguan, 95-82, sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Sumakay ang Fuel Masters sa 8-0 run sa kalagitnaan ng fourth quarter upang putulin ang winning run ng Hotshots at iposte ang impresibong panalo sa tuwa ni coach Louie Alas na pinuri ang kanyang mga manlalaro sa kanilang solidong laro, sa pangunguna ni import Eugene Phelps.

Ang Amerikanong import  na si Phelps ay kumana ng double- double 36 points at 20 rebounds, na may apat na assists.

Lubusang nadominahan ng Phoenix ang Magnolia sa huling yugto sa lungkot ni coach Chito Victolero.

Panay ang eksperimento ni Victolero su­balit hindi makahulma ng epektibong formula at tuluyang yumuko ang Hotshots. Nabigo ang Magnolia na masustina ang winning run matapos talunin ang NLEX at North Port.

Isa sa dahilan sa pagkatalo ng Magnolia ay ang malamyang laro ni import Romeo Travis na umiskor ng dalawang puntos lamang sa last quarter. CLYDE MARIANO

Iskor:

Phoenix (95) – Phelps 36, Wright 13, Chua 12, Abueva 9, Revilla 9, Jazul 9, Perkins 7, Intal 0, Wilson 0.

Magnolia (82) – Travis 28, Barroca 11, Sangalang 11, Jalalon 11, Lee 8, Ramos 6, Dela Rosa 3, Melton 2, Gamalinda 2, Pascual 0, Reavis 0, Brondial 0, Herndon 0.

QS: 30-19, 48-48, 71-67, 95-82

 

Comments are closed.