Mga laro bukas:
(Ninoy Aquino Stadium)
5:30 p.m. – Rain or Shine vs NLEX
7 p.m. – Magnolia vs TNT
NALUSUTAN ng Phoenix ang paghahabol ng Blackwater sa fourth quarter upang makopo ang breakthrough win sa PBA Governors’ Cup, 119-114, kagabi sa Araneta Coliseum.
Sumandal ang Fuel Masters sa mainit na kamay ni veteran RR Garcia bago nag-take over si import Brandone Francis sa endgame upang ibigay sa koponan ang kauna-unahang panalo nito sa season.
Mukhang handa na ang Phoenix na kumarera sa panalo sa kaagahan ng third period nang lumamang ito ng hanggang 20 points, subalit humabol ang Blackwater sa final quarter sa likod ng three-point shooting nina rookie Cedric Barefield at James Kuweketeye upang magbanta sa 110-107.
Umangat ang Fuel Masters sa 1-7 habang nalasap ng Bossing ang ikalawang sunod na kabiguan. Sa 3-5 sa Group B, ang Bossing ay nanganganib na hindi makausad sa quarterfinals.
“We were frustrated in the first seven games, because almost all of our games, we were in it. Eventually, finally we got a win tonight,” wika ni Phoenix coach Jamike Jarin.
“I take full responsibility for all those losses, so my apologies to everybody, especially the Phoenix organization and to the players. We got a win, and we got over the hump. We will work harder for our next game,” dagdag pa niya:
Nakopo ni Garcia ang Player of the Game honors makaraang umiskor ng 20 points, 16 dito ay sa final quarter, habang nagposte si Francis ng 23 points, 10 rebounds, at 9 assists upang ma-offset ang kanyang 7 turnovers.
Tumipa si George King ng 32 points at nag-ambag si Sedrick Barefield ng 30 para sa Bossing, na nakakuha rin ng 20 points kay James Kwekuteye.
CLYDE MARIANO
Iskor:
PHOENIX (119) – Francis 23, Garcia 20, Perkins 19, Rivero 14, Ballungay 12, Tio 7, Ular 5, Tuffin 5, Jazul 4, Soyud 3, Manganti 3, Muyang 2, Salado 2, Verano 0, Alejandro 0
BLACKWATER (114) – King 32, Barefield 30, Kwekuteye 20, Rosario 10, Escoto 10, Ilagan 4, Chua 3, Suerte 3, David 2, Micthell 0, Casio 0
QUARTERS: 30-29, 64-47, 90-78, 119-114