Mga laro ngayon:
(Cagayan de Oro City)
5 p.m. – Rain or Shine vs San Miguel
INAPULA ng NLEX ang mainit na paghahabol ng Phoenix Pulse upang maitakas ang 87-85 panalo at matikas na tapusin ang kanilang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.
Nanguna sina import Olu Ashaolu at Kenneth Ighalo para sa Road Warriors na nalusutan ang pagkulapso mula sa 20 puntos na kalamangan upang tapusin ang torneo na may 3-8 kartada at ilagay sa peligro ang playoff bid ng Fuel Masters.
Pansamantalang ginampanan ni assistant coach Adonis Tierra ang coaching job matapos na mapatalsik sa laro si head coach Yeng Guiao sa huling 42 segundo kung saan abante ang NLEX sa 84-79.
Binatikos ni Guiao ang mga referee dahil sa umano’y spotty officiating ng mga ito at sa kanyang galit ay hindi niya napigilang magbitiw ng maaanghang na salita na nagresulta sa kanyang ejection.
“We survived badly officiated game. It’s good we survived,” sabi ni Guiao na bakas pa rin sa mukha ang galit sa mga referee.
Isinalba ni dating Rain or Shine player Jericho Cruz ang NLEX sa kanyang dalawang charities sa foul ni Matthew Wright matapos na sumablay ang dalawang free throws ni Oluseyi Ashaolu.
May pag-asa pa ang Phoenix na maitabla ang laro subalit kapos ang tres ni Richard Howell sa pagtunog ng buzzer.
Tinalo ni Ashaolu si Richard Howell sa kanilang match up kung saan tumipa ang Canadian import ng 17 points, 17 rebounds, 5 assists at 2 steals sa mahigit 33 minutong paglalaro.
Nagbanta ang Phoenix na agawin ang panalo subalit nagmatigas ang NLEX at kinuha ang panalo sa mga huling segundo.
CLYDE MARIANO
Iskor:
NLEX (87) – Ashaolu 17, Ighalo 14, Quinahan 9, Paniamogan 9, Erram 7, Cruz 6, Lao 5, Tiongson 5, Fonacier 5, Taulava 4, Soyud 4, Varilla 2, Baguio 0, Galanza 0.
Phoenix (85) – Jazul 20, Wright 16, Mallari 13, Howell 11, Intal 6, Marcelo 6, Perkins 2, Napoles 0, Wilson 0, Guevarra 0, Gamboa 0.
QS: 21-11, 45-32, 65-54, 87-85
Comments are closed.