FUEL MASTERS SINILABAN ANG BATANG PIER

Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
3 p.m. – San Miguel vs Terrafirma
5:45 p.m. – Magnolia vs TNT

PINUTOL ng Phoenix Fuel Masters ang kanilang three-game run makaraang pataubin ang NorthPort Batang Pier, na nanatiling walang panalo, 108-97, sa PBA Governors’ Cup kahapon sa PhilSports Arena.

Nanalasa si Jason Perkins sa opensiba kung saan napantayan niya si import Du’vaughn Maxwell na may 26 points sa 10-of-18 shooting, 7 rebounds, at 2 assists sa loob lamang ng 30 minutong paglalaro upang tulungan ang Phoenix na umangat sa 1-3 record.

Samantala, naipasok ni Maxwell ang 10-of-19 clip na sinamahan ng 11 boards, 6 assists, 2 steals, at 2 blocks, habang nagdagdag sina sniper RJ Jazul at all-around forward Sean Manganti ng 16 at 13 points, ayon sa pagkakasunod, sa 5-of-7 shooting.

“Well, we give credit to all the players for staying positive and all the coaches. Our first two games, we had a chance to win that, but by staying positive, we got a win,” wika ni interim head coach Jamike Jarin, na sa wakas ay nakuha ang kanyang unang PBA career win makaraang palitan si Topex Robinson.

Bukod kay import Marcus Weathers, na pinangunahan ang lahat ng scorers na may 31 points sa pagkatalo, tanging sina Kent Salado at recovering forward Art dela Cruz ang gumawa para sa NorthPort locals na may 15 at 12 points mula sa bench, ayon sa pagkakasunod, sa tig-17 minutong paglalaro.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Phoenix (108) – Perkins 26, Maxwell 26, Jazul 15, Manganti 13, Tio 8, Garcia 6, Serrano 6, Muyang 2, Lojera 2, Lalata 2, Soyud 1, Adamos 0, Alejandro 0, Camacho 0, Go 0.
NorthPort (97) – Weathers 28, Salado 15, Dela Cruz 12, Munzon 8, Chan 7, Tolentino 6, Sumang 5, Balagasay 5, Calma 2, Zamar 2, Taha 2, Caperal 2, Ayaay 0.
QS: 23-25, 55-46, 86-71, 108-97.