Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
5 p.m. – Rain or Shine vs Blackwater
7:30 p.m. – Ginebra vs NorthPort
SINIMULAN ng Phoenix ang bagong taon sa 122-108 panalo kontra Terrafirma sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Philsports Arena.
Nagbuhos si Donovan Smith ng 37 points, 7 rebounds, at 5 blocks para sa Fuel Masters, na umangat sa 2-5 at nabawi ang kanilang winning ways sa kanilang unang laro sa 2025.
Na-outscore ng Fuel Masters ang Dyip, 31-13, matapos ang mabagal na simula tungo sa panalo.
Nanatiling walang panalo ang Dyip sa walong laro, na nagsara ng pinto sa kampanya ng Terrafirma na makalagpas sa 12-game eliminations.
Si Jason Perkins ay perfect 6-for-6 mula sa field tungo sa pagkamada ng 16 points para sa Fuel Masters, habang nagdagdag si Ricci Rivero ng 14 points at 5 assists.
Nagwagi ang Phoenix bagama’t nagsuko ng 36 points laban sa Terrafirma sa first quarter at masaya si head coach Jamike Jarin na napangalagaan ng Fuel Masters ang kanilang kalamangan.
“We really needed to get it together especially defensively,” sabi ni Jarin. “We were very disappointed in the first quarter and in the third quarter because we gave a lot of points. It’s still a learning progress for everybody but a lot of credit goes to (Donovan Smith). I’m just blessed to have him.”
Kumamada si Brandon Edwards ng 25 points, habang nagdagdag si Louie Sangalang ng 22 points para sa Dyip na nagpatuloy ang paghihirap sa pagpasok ng taon.
Iskor:
Phoenix (122) – Smith 37, Perkins 16, Rivero 14, Ballungay 10, Tio 10, Tuffin 8, Muyang 7, Jazul 4, Alejandro 4, Manganti 3, Daves 3, Verano 2, Salado 2, Garcia 2, Ular 0.
Terrafirma (108) – Edwards 25, Sangalang 22, Paraiso 16, Nonoy 12, Carino 11, Hernandez 7, Manuel 6, Melecio 5, Pringle 2, Ramos 2, Catapusan 0.
Quarters: 29-36; 60-49; 88-84; 122-108.