(Fuel Masters taob sa 3OT) BOLTS HUMIRIT NG DO-OR-DIE

NAIPIT si Phoenix import Johnathan Wiiliams sa depensa ni Kyle ­Pascual ng Meralco sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City. Kuha ni RUDY ESPERAS

Mga laro sa Biyernes:
(Philsports Arena)

4 p.m. – Rain or Shine vs San Miguel

8 p.m. – NorthPort vs Ginebra

NALUSUTAN ng Meralco ang Phoenix Super LPG, 116-107, sa triple overtime upang ihatid ang kanilang PBA Commissioner’s Cup quarterfinals duel sa deciding game kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.

Naitala ni Bong Quinto ang 14 sa kanyang 19 points sa extensions, kabilang ang pito sa ikatlo na nagbigay sa Bolts ng 10-0 simula para sa 113-103 kalamangan at hindi na lumingon pa.

Dahil dito, ibinasura ng  fifth-ranked Meralco ang twice-to-beat advantage ng No. 4 Phoenix at ipinuwersa ang do-or-die sa Linggo sa Mall of Asia Arena.

Tumanggi si winning coach Luigi Trillo na makisali sa wild celebrations ng kanyang tropa at ng mga supporter matapos ang kanilang paghahabol mula sa 15-point  deficit sa regulation.

“Wala pa kaming ginagawa. It’s just one game,” sabi ni Trillo matapos ang ika-14 pa lamang na triple OT game sa kasaysayan ng PBA, ang huli ay sa knockout match na napanalunan ng NorthPort kontra NLEX sa 2019 Governors’ Cup sa Bacoor.

Nanguna si Cliff Hodge para sa Meralco na may 20 points at 10 rebounds bago lumabas dahil sa  right ankle sprain sa huling 2:25 ng unang OT. Ito ang kanyang unang  20-10 game magmula nang maitala ang 25-13 sa 2016 Philippine Cup.

Tumapos si Quinto na may  19 points habang isinalpak din ang isang mahirap na  lay-up na nagpuwersa sa ikalawang  extra period. Kumana si Shonn Miller ng 18 points at 20 rebounds bago na- foul out habang gumawa rin si  Allein Maliksi ng 18 markers tulad ni Aaron Black.

Kumamada si Chris Newsome ng 16 points, tampok ang isang clutch triple na kanyang ipinasok sa buzzer sa regulation at inihatid ang laro sa unang  OT.

Nanguna si Johnathan Williams para sa Phoenix na may 24 points at 24 rebounds bukod sa 6 assists makaraang maglaro ng kabuuang 62:22 mula sa 63-minute game, at naging ika-4 pa lamang na import na naglaro ng mahigit 60 minuto sa isang laro.   CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (116) –  Hodge 20, Quinto 19, Miller 18, Black 18, Maliksi 16, Newsome 14, Banchero 5, Almazan 2, Pascual 0, Rios 0, Caram 0.

Phoenix (107) – Williams 24, Perkins 20, Tio 20, Tuffin 16, Jazul 13, Alejandro 6, Mocon 6, Manganti 2, Muyang 0, Soyud 0, Garcia 0, Rivero 0.

QS: 13-21, 39-47, 53-62, 84-84, 95-95, 103-103, 116-107.