SINAGASA ni Justine Arana ng Converge ang depensa ni Jason Perkins ng Phoenix sa kanilang laro sa PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports sa Pasig. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro ngayon:
(Caloocan Sports Complex)
3 p.m. – Rain or Shine vs Terrafirma
(Candon, Ilocos Sur)
6:15 p.m. – TNT vs NLEX
BUMANGON ang Phoenix sa pagkakalugmok makaraang dispatsahin ang Converge, 113-107, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena.
Pinutol ng Fuel Masters ang two-game losing skid upang umangat sa 2-4 kartada habang nanatiling walang panalo ang FiberXers sa pitong laro.
Nanguna si Jason Perkins para sa Phoenix na may 26 points at13 rebounds at sinira ng Fuel Masters ang ‘big night’ ni Justin Arana, na nagbuhos ng 32 points at 16 rebounds para sa Converge.
Ang Phoenix ay may balanced scoring attack kung saan tumapos si Ricci Rivero na may 17 points at umiskor si Kenneth Tuffin ng 16 points at kumalawit ng 10 rebounds. Tatlong iba pang players ang umiskor ng double digits para sa Phoenix.
“Being able to share the ball, you see that we had six guys in double figures. Once we found that identity, we were able to get back on track,” sabi ni Phoenix assistant coach Willie Wilson.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Phoenix (113) – Perkins 26, Rivero 17, Tuffin 16, Mocon 11, Daves 11, Alejandro 10, Lalata 7, Salado 6, Muyang 3, Manganti 3, Verano 2, Jazul 1, Camacho 0.
Converge (107) – Arana 32, Stockton 31, Santos 11, Winston 8, Delos Santos 6, Caralipio 7, Andrade 3, Ambohot 3, Fornilos 2, Vigan-Fleming 2, Maagdenberg 0, Nieto 0, Zaldivar 0.
QS: 23-27; 50-50; 86-73; 113-107.