ITINAAS ng gobyerno ang fuel subsidies para sa public utility vehicle operators at drivers sa ilalim ng Pantawid Pasada Program (PPP) sa P20,514 ngayong taon, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
“The PPP is one of the government’s flagship social mitigation measures which provides fuel subsidy in the form of fuel cards amounting to PHP5,000 for 2018 and PHP20,514 for 2019. The program is funded by the TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law,” pahayag ng LTFRB.
Sa ilalim ng programa, ang fuel subsidy cards ay ipamamahagi sa may 180,000 jeepney operators at drivers sa bansa.
Pinaalalahanan ng LTFRB ang mga lehitimong franchise holder ng mga pampublikong jeepney na kunin ang kanilang fuel voucher cards hanggang Pebrero 28 sa mga tanggapan nito sa buong bansa.
Layunin ng PPP na inilunsad noong Hulyo ng nakaraang taon na pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa pagpapatupad ng excise taxes sa ilalim ng TRAIN law at sa paggalaw ng fuel prices sa pandaigdigang merkado.
Sinabi ng Board na tatanggapin nito ang notarized Special Power of Attorney (SPA) na maaaring i-download mula sa website ng ahensiya o makuha sa pinakamalapit na LTFRB office para sa mga benepisyaryo na hindi personal na makakakuha ng kanilang cards.
“Representatives can bring the notarized SPA to their respective LTFRB offices together with the original and photocopy of ID of qualified franchise holder; original and photocopy of ID of representative; original official receipt/ certificate of registration (OR/CR); original copy of certificate of public convenience (CPC) or proof of franchise; and recent photo of qualified franchise holder,” ayon sa LTFRB.
Maaaring kunin ng jeepney operators at drivers sa Metro Manila ang kanilang fuel subsidy cards sa central office ng Land Transportation Office sa East Avenue, Quezon City mula February 26 hanggang 28, habang yaong mga nasa lalawigan ay maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na regional at franchising regulatory offices ng LTFRB sa kanilang lugar.
May kabuuang 88,209 fuel subsidy cards ang naipamahagi na sa mga benepisyaryo mula Hulyo 17, 2018 hanggang Peb. 24, 2019 base sa datos ng LTFRB. PNA
Comments are closed.