FUEL VOUCHERS SA DRIVERS IPAMAMAHAGI NA SA HULYO

Sec-Arthur-Tugade

TARGET ng Department of Transportation (DOTr) na maipamahagi sa mga jeepney driver ang fuel vouchers bilang ayuda sa ­pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay DOTr Undersecretary Tim Orbos, inaasahang mailalatag na nila ang guidelines sa susunod na linggo para sa lagda ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Ani Orbos, mula sa inisyal na P2,000 halaga ng fuel voucher, posible nila itong ibaba sa P1,600 para mas maraming drivers ang mabigyan.

“Hindi po ibig sabihin na nangangalahati na po tayo ng taon ay hindi na natin maibibigay ‘yung nakaraang dapat ibigay, ganoon pa rin po ibibigay pa rin po ‘yun kasi ang allocation naman po nito ay for the whole year. Ti­tingnan po ng Department of Finance, ng DOTr at DOE kung ano naman ang epekto ng fuel again for next year, hanggang nandiyan ang panga­ngailangan, kung kaila­ngan po next year ‘yan ay mag-a-allocate ulit ang Department of Finance,” sabi pa ni Orbos.

Samantala, sinabi ni Orbos na pabor ang DOTr na itaas ang pasahe sa jeepney.

Gayunman, pabor lamang, aniya, sila sa fare hike sa mga jeepney na lumahok sa modernisasyon.

“Kung ang bibigyan ng increase ay mga nagmo-modernize na sasakyan ay wala po tayong problema doon dahil nakikita natin, siyempre maglalabas sila ng capital, eh tutulong po tayo doon, pero ‘yung mga lumang sasakyan ang bibigyan ng increase hindi namin nakikita na kailangan ‘yan lalo na ‘yung mga makina ng ganitong mga jeepney dahil luma na ay mas malakas kumain ng gasolina,” dagdag pa niya.  DWIZ 882

Comments are closed.