FULL COMBATANT NG PHILIPPINE NAVY DUMATING NA

PH Navy

CAMP AGUINALDO –PINAG-AARALAN ng liderato ng Philippine Navy kung saan at paano gagamitin ang pinakabagong karagdagan at pinakamabagsik na sea asset ng hukbo na dumating na sa Filipinas mula sa Korea kasama ng Navy LD-602 na nagmula sa Russia.

Ayon kay Rear Adm. Giovanni Carlo Bacordo,  commander ng Philippine Fleet, ang Conrado Yap (PS39), isang South Korean Pohang-class corvette, ang “Chungju”, ay nagmula sa Jinhae Naval Base sa Changwon City, South Korea.

Ipinagmalaki pa ni Bacordo na ang ex-Pohang-class corvette ay magpapalakas sa anti-air, anti-surface and anti-submarine warfare capabilities ng Philippine Navy.

Dahil dito, nadagdagan ang anti-submarine warfare ng Philippine Navy na kamakailan ay dumating din ang dalawang Agusta Westland 159s, at anti-submarine warfare helicopter. VERLIN RUIZ

Comments are closed.